Maine Mendoza on Julie Ann San Jose: “I’m sorry.”

by PSR News Bureau

yaya dub maine mendoza apologize myjaps hugs julie anne san jose sunday pinasaya sps picture sorryNitong Linggo, December 13, personal na nagharap sina Maine Mendoza at Julie Ann San Jose sa backstage ng Sunday Pinasaya sa isang dressing room. Base sa isang tweet na nabasa ng publiko mula kay Gladys Guevarra na isa sa mainstay ng nasabing programa, nilapitan at niyakap daw ni Maine si Julie Ann. Kasabay nito ay kaagad daw na humingi ng paumnahin si Maine kay Julie Ann dahil nasangkot ang pangalan nito sa isyu sa Twitter ng direktor ng Sunday Pinasaya na si Rich Ilustre.

Matatandaang may nagtanong kay direk Rich kung ang girlfriend ba ni Alden sa tunay na buhay ay si Julie Ann at kaagad naming sinagot ng direktor ng “yup.” Nauna nang nag-deny si Alden at pinabulaanan na hindi ito totoo.

Rich-IlustreMagmula noon ay naging isyu na ito at nagkaroon ng maraming bashers ang direktor. In fairness kay direk Rich, nag-public apology pa nga ito nang dahil dito. Ayon kay direk Rich, wala siyang anumang intensiyon na lokohin ang publiko. Inaanttok pa raw siya nung mga panahon na iyon kaya’t sa halip na “friend” ay “Yup” ang naisagot nito sa nasabing kontrobersiyal na Tweet.

Balita ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), teary-eyed o naiyak pa nga raw si Julie Ann nang lapitan ito ni Maine. Sa kampo naman ni Maine, kahanga-hanga ang kanyang kababaang-loob. At least, all’s well between Maine and Julie Ann now at maligaya na ang magkabilang panig.

Leave a comment