Magpakailanman to feature DJ Loonyo’s life story

Sa pinakabagong episode nito, tampok ang life story ng viral dancer at choreographer na si DJ Loonyo.

Nag-train si DJ Loonyo sa iba’t ibang sikat na dance champions sa Pilipinas. Binuo rin niya ang sariling grupo na Rock*Well, at sumikat siya online dahil sa mga tutorial na ipinu-post nila sa Facebook, Instagram, at TikTok.

Pero sino nga ba si DJ Loonyo sa likod ng mga nakakaaliw niyang sayaw?

Pagbibidahan ni Jak Roberto kasama sina Lovely Rivero, Jong Cuenco at Liezel Lopez at sa direksyon ni Zig Dulay, huwag palalampasin ang kuwento ng buhay ng viral dancer, DJ, at choreographer na si DJ Loonyo ngayong Sabado, July 18, sa brand new episode ng Magpakailanman na may hashtag na #MPK. 

Leave a comment