‘Magpakailanman’ features sexy-crime-family drama this Saturday

Tulad ng kahit na sinong teenager, masaya at malaya ang pamumuhay ni Rina.

Mahilig siyang maki-party kasama ang kanyang mga kaibigan. 

Pero isang gabi ay na-hypnotize siya ng isang misteryosong lalaki, si Dennis.

Habang nasa kapangyarihan ni Dennis, naging sex slave nito si Rina at lahat ng iutos nito ay kanyang sinusunod.

Makakatakas kaya si Rina mula sa bangungot na ito?

Ngayong Sabado ng gabi sa GMA ay tampok sa Magpakailanman ang isang espesyal na sexy-crime-family drama episodena may pamagat na A Scandalous Crime.

Pinangungunahan ng mga Kapuso stars na sina Ashley Ortega at Lucho Ayala, kasama rin sa naturang episode sina Elle Villanueva, Zonia Menia, Anthony Rosaldo, Lovely Rivero, Leandro Baldemor at Vaness del Moral.

Ito ay sa direksyon ni Adolf Alix Jr., sa panulat ni John Roque at sa pananaliksik ni Stanley Pabilona.

Leave a comment