M Butterfly earns six nominations at Aliw Awards 2018

Bongga ang stage play na M Butterfly, huh! Anim kasi ang nominasyon na nakuha nito sa darating na Aliw Awards 2018, na gaganapin sa December 13 sa The Manila Hotel. 

Ang lead actor nito na si RS Francisco ay nominado para sa Best Actor category. Ang dalawang lead actress naman dito na sina Maya Encila at Mayen Estanero ay nominado para sa Best Feautured Actress. 

Ang direktor nito na si Kanakan Balintagos ay nominado para sa Best Director.  Nominado rin ang M Butterfly ng Best Play at Best Ensemble. 

Siyempre pa, happy si RS nang makarating sa kanya ang anim na nominasyong nakuha nila sa nasabing award-giving body. 

b9b26d53-ebaf-4399-a77e-79e13199df10

Kaya naman sobrang thankful siya sa lahat ng bumubuo nito. Kaya win or lose, ay dadalo raw siya sa Aliw Awards 2018.

*************

Nag-post sa kanyang Instagram account ng message si Kristoffer Martin para sa kanyang close friend na si Alden Richards, after matapos ang seryeng “Victor Magtanggol” na pinagsamahan nila. 

fbd0e978-2b8f-4743-9790-833094719e17

Sabi ni Kristoffer sa kanyang IG post, “To the hammerman himself, maraming maraming salamat sa pagiging hindi lang superhero sa soap, kundi saming mga katrabaho mo rin. You’ve fought for us. Alam at ramdam namin. Ikaw yung kapitan nito at dinala mo kami sa lugar na panalo tayo. Mas pinahanga mo ko bilang kapatid mo dito sa proyektong to. Na wala akong narinig na kahit anong reklamo galing sayo, na kahit sagad sagaran na, lalabas ka ng tent na nakangiti. Isang malaking bagay na lahat kami dinadala mo sa vision mo sa project na to. At masaya akong nakitang narating nating lahat yon. Mahal kita kapatid! You’ve fought very hard for this. Saludo ako sayo! Hanggang sa susunod na proyekto!”

Kaya tinawag na superhero ni Kristoffer si Alden, dahil ipinaglaban nito na ma-extend ang Victor Magtanggol. 

Noon pa pala dapat tinapos ito sa ere. Sa ginawang yun ni Alden, nagtuloy-tuloy nga naman ang pagtanggap ng talent fee ng lahat ng kasali sa nasabing serye, nu’ng hindi pa ito tsinugi agad.

Kaya very thankful si Kristoffer sa ka-loveteam ni Maine Mendoza.

Leave a comment