Lovi Poe receives positive feedbacks on her role in ‘Mulawin vs Ravena’

Photo from Lovi's instagram account

Isa sa kaabang-abang na karakter gabi-gabi sa Mulawin vs Ravena ay si Magindara na ginagampanan ni Lovi Poe.

Palaging pinag-uusapan online at trending topics ang #LoviPoeisMagindara, Lovie Poe at Magindara sa micro-blogging site na Twitter.

Sa tweet ng isang fan na si Reynato Estoce (@ReynatoEstoce), sinabi nyang nabitin siya sa paglabas ni Lovi Poe sa show:

“More of Magindara scenes please! #MVRPinuno #LoviPoeisMagindara @LoviPoe @MulawinVRavena 💚💚”

Photo from Lovi's instagram account
Photo from Lovi’s instagram account

Dahil dito, tuwang-tuwa ang dalaga dahil isa raw sa dream roles niya ang maging isang Goddess of the Sea at natupad ito sa bagong fantaserye ng Kapuso Network.

“I’m so happy that the viewers are all excited to see my character in Mulawin vs Ravena. Isa talaga sa dream roles ko ang maging Goddess and I’m glad that GMA gave it to me. I hope the viewers will continue to watch the program dahil paganda pa ng paganda ang mga eksena.”

Leave a comment