Los Bastardos says goodbye; Sandugo attracts viewers

Naging matagumpay ang panghapong serye ng Dos na Los Bastardos na pinagbibidahan nina Ronaldo Valdez, Jake Cuenca, Joseph Marco, Marco Gumabao, Joshua Colet at Albie Casino. Tumagal din ng isang taon ang programa dahil sa mataas na ratings nito. 

Dahil sa show, nakilala sina Kylie Versoza at Maxine Medina. Malaki ang naitulong ng palabas sa dalawang beauty queen lalo na sa kanilang pag-arte. Nagsilbi na rin nila itong training ground kaya humusay silang umarte. 

Of course, dito rin umusbong ang karera ni Marco Gumabao na ngayon ay isa nang matagumpay na leading man. Pruweba rito ang lakas sa takilya ng pelikula nila ni Anne Curtis na Just A Strangers na halos lampas 100 million ang kinita nito sa takilya. 

Nagwakas man ang Los Bastardos ay nag-iwan naman ito ng magandang marka sa Philippine TV na hindi lamang kamachohan at kaseksihan ang ipinakita ng mga nagsiganap kundi ang aral na natutunan dito. Mas tumatak kasi ang kuwento ng pamilya na kahit may mga alitan at hindi pagkakaunawaan ay nananaig pa rin ang pagmamahalan at pagtatawaran. 

Siyangapala, ang papalit sa time slot na iniwan ng top rating show ay ang Sandugo na pinagbibidahan nina Ej Falcon at Aljur Abrenica. Tulad ng Los Bastardos, punung-puno rin ng aksiyon at drama ang bagong afternoon show ng Kapamilya.

Sa mga nag-aabang na fans at tagasuporta nina Aljur at EJ ay ito na ang pagkakataon para mapanood ninyo silang muli na tumagal din bago sila nagka-teleserye muli. Nagbabalik din dito si Jessy Mendiola na tulad ng dalawang aktor ay matagal din bago nagka-show. Kasama rin sa Sandugo ang mga magagaling na artistang tulad nina Vina Morales, Ariel Rivera, Gardo Versoza at Cherry Pie Picache.

Leave a comment