Liza Soberano undergoes finger operation: It will never function the same way again

Nasa America ngayon si Liza Soberano para sa kanyang ika-apat na finger operation.

Naoperahan man ulit ang kanyang finger, pero hindi na ito magpa-function pa katulad ng dati ayon mismo kay Liza. Sa kanyang Instagram post noong Sabado, ibinahagi ni Liza ang ilang larawang nagpapakitang nilagyan ng bakal ang daliri niya.

Sabi niya sa caption, “Caution graphic content. Finally done with my last procedure in hopes of fixing my finger. Unfortunately it will never function the same way again but at least its there! Sorry for sharing such gruesome photos.”

Kung ganyang hindi na normal ang isang daliri ni Liza, hindi na talaga siya pwedeng mag-action, na gumawa ng mga fight scenes. Hanggang drama na lang talaga ang puwede niyang gawin, di ba?

*****

Mainit na rebelasyon at matinding mga pasabog ang sasalubong sa mga manonood ngayong nakatakda nang magbukas ang panibagong yugto ng pinag-uusapan at trending na Kapamilya serye sa hapon na “Kadenang Ginto.”

Mas hihigpit ang pagkapit ng buong bayan sa salpukan ng dalawang Mondragon lalo na’t nakatakdang umikot ang kapalaran nina Romina (Beauty Gonzalez) at Daniela (Dimples Romana) sa pagdating ng karakter ni Richard Yap na si Leon.

Kasalukuyang naghihirap sina Romina at Cassie (Francine Diaz) matapos kunin ni Daniela ang lahat ng yamang kanilang minana bilang kapalit sa pagtulong nitong buhayin ang batang kapatid.

Hindi naman ito makakapigil kay Romina na umahon mula sa hirap sa paggamit ng lahat ng kaalaman niya para muling makabangon. Dito niya makikilala si Leon (Richard) na kanyang magiging business partner at makakatulong sa muling pagbawi ng kanyang yaman.

Magiging mapaglaro naman ang tadhana kay Daniela dahil unti-unti siyang babagsak sa hindi inaasahang pagkalugi ng kompanya. Lalo ring titindi ang galit niya dahil habang sumasadsad siya pababa, umaangat naman ang buhay ni Romina.

Saan kaya aabot ang laban ng dalawang Mondragon? Ano nga bang pagbabago ang dadalhin ni Leon sa kanilang buhay?

Samantala, hindi pa man nag-uumpisa ang panibagong yugto ng serye, labis na ang pagkasabik ng mga manonood ngayong mainit na pinag-uusapan sa social media ang trailer ng palabas na nagtala na ng 3.8 milyong views. May kanya-kanyang memes na rin ang netizens na viral ngayon tampok ang naglalakad na Daniela na suot ang pulang damit at pulang luggage na nailathala na sa iba’t-ibang entertainment at news sites.

Mula nang umere ang serye noong Oktubre 2018, labis nang kinapitan ang kwento ng apat na mga babaeng Mondragon na nagpainit sa hapon ng mga manonood. Hindi ito kailanman natinag sa timeslot nito at nagkamit din ng all-time high national TV rating na 27.3%, ayon sa datos ng Kantar Media, na mataas para sa isang serye sa hapon.

Panoorin ang “Kadenang Ginto” tuwing hapon sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Para sa updates, pumunta lamang sa abscbnpr.com at i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.

Leave a comment