Liza Soberano has a message for Pres. Duterte

After two years, muling mapapanood sa teleserye ang magka-loveteam at magkasintahang sina Liza Soberano at Enrique Gil via “Make It With You,” mula sa direkyon nina Richard Arellano at Cathy Garcia-Molina. 

Sa nasabing serye ay gumaganap si Liza bilang si Billy, ang raketerang gagawin ang lahat upang kumita at makapagpadala ng salapi. 

Si Enrique naman ay bilang si Gabo, ang binatang mapapadpad sa Croatia sa kagustuhang mahanap ang kanyang sarili. 

Sa presscon ng “Make It With You” tinanong si Liza kung ano ang craziest thing na nagawa niya just to make it with Enrique.

”I think the craziest thing was.. kasi siyempre, 17 lang ako noong maging kami (ni Enrique), so, ipinaglaban ko ‘yung relationship. Kasi bawal pa akong mag-boyfriend noon, pero matigas ‘yung ulo ko. Sabi ko sa daddy ko, masaya ako. Kung gusto mo akong maging masaya, payagan mo ako,” natatawang sabi ni Liza.

Sa sinabing ito ni Liza, tinanong si Enrique kung paano niya ipinakita sa daddy ni Liza na karapat-dapat siyang ipaglaban nito. 

Ang sagot niya, “Ay naku, grabe rin. Siyempre ipinakita ko lang ‘yung sarili ko. I just presented myself na ito ako, I’m not. Basta I just presented myself. I’m not pretending anything.”

Samantala, tinanong sina Liza at Enrique kung anong reaksyon at mensahe na gusto nilang iparating kay President Rodrigo Duterte tungkol sa sinabi nito na hindi niya na pipirmahan ang franchise ng ABS-CBN 2, ang mother studio ng dalawa, na mag-i-expire na nitong darating na March 30, this year.

Tanging nasabi ni Enrique, “Actually, sa birthday ko po ‘yun. Sakto sa birthday ko.”

Sabi naman ni Liza, “I believe that he’s understanding. Alam naman niya na maraming maapektuhan. It’s not just the company itself, but all the employees. And I’m sure he has a generous and undersrtanding heart. So, I hope he wakes up one morning, and he thinks about it again. And maging bukas ‘yung puso niya sa lahat ng smaller employees na nangangailangan ng trabaho.”

Ang “Make It With You” ay mapapanood na simula sa Lunes, January 13 pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsiyano.

Leave a comment