Limitless Julie Anne continues musical journey, showcases Visayas

Inaabangan na ang second leg ng “Limitless, A Musical Journey” ni Julie Anne San Jose ngayong Sabado, November 20.

Swak nga ang title ng second leg na “Heal” dahil dadalhin tayo ni Julie sa Visayas kung saan matatagpuan ang mga naggagandahang beach.

Join din sa kanyang musical journey ang co-host ni Julie sa The Clash na si Rayver Cruz at ang proud Cebuana at The Clash Season 3 Grand Champion na si Jessica Villarubin.

Ngayon pa lang ay excited na ang fans ni Julie lalo na’t ang gaganda ng reviews sa unang part ng Limitless na kinunan sa Mindanao.

Kaya naman go na sa gmanetwork.com/synergy para sure kayong makakapanood ng “Limitless Part 2: Heal” sa Sabado, November 20.

Leave a comment