Lexi Gonzales does home workout, discovers new recipe

Aminado ang Starstruck Search First Runner-Up na si Lexi Gonzales na nakaramdam siya ng takot mula nang dumami ang coronavirus patients sa ating bansa.

Lahad niya, “Opo. Hindi naman po mawawala ‘yung pangamba at pag-aalala lalo na’t marami po ang nagkakasakit, namamatay, at nagugutom sa panahon na ito. Pero I try to help po sa abot ng makakaya ko. Kapit lang po talaga kay Lord at tuloy lang ang dasal, kasabay ng pag-iingat.”

Ano ang most memorable experience niya habang naka-quarantine?

Tugon ni Lexi, “Siguro po ‘yung mga bonding moments na I get to spend with my family ngayon. Ngayon lang po kasi nangyari na magkaroon kami ng time mag- bonding na ganito katagal.”

How about ‘yung most unforgettable experience niya habang naka-quarantine?

“Ang most unforgettable ko po ay noong nagkaroon ng lindol na nagmula sa Aurora. Nasa 23rd floor po kasi yung condo unit namin, kaya ramdam na ramdam namin ‘yung yanig.”

Ano sa tingin niya ang mensahe sa ating lahat sa pagdating ng coronavirus?

“I think this is a time for us to reflect, discover new things, and to be awaken by the reality of society and the world. Aside from this, I guess dapat matutunan na rin natin na maraming fake news na kumakalat simula noon pa at dapat mas maging alerto tayo.”

Ipinahayag pa ng tisay na Kapuso actress na noong panahon ng quarantine ay naging busy siya sa vlogging at livestream gaming, natuto rin daw siya ng mga bagong recipe sa pagluluto, at patuloy din siya sa kanyang regular work-outs

Si Lexi ay nasa pangangalaga ng GMA Artist Center at ng TEAM ni Tyronne Escalante.

Kabilang sa talent ni Lexi ang acting, singing, dancing and hosting.

Ayon kay Tyronne, umaasa silang magkakaroon ng soap opera si Lexi sa Kapuso Network very soon.

Ano ang mapi-feel niya kapag nagbalik na sila sa taping or shooting?

Esplika ni Lexi, “I’ll feel happy po kasi matagal ko na po talaga gustong makapagtrabaho ulit. Pero if ever man po na mag-back to work na po talaga kami, triple na po ang pag-iingat at siyempre, hindi mawawala ang alaga sa sarili para hindi magkasakit.”

Leave a comment