Legaspi fam taped ‘Sarap, ‘Di Ba?’ with PA, yaya at home

Aminado ang pamilya Legaspi na hindi naging madali ang taping ng morning talk-variety show na ‘Sarap, ‘Di Ba?’ sa kanilang tahanan para sa Bahay edition episode na ipapalabas ngayong Sabado (July 18). 

Kuwento ni Zoren na siya ring tumatayong direktor ng naturang Bahay edition episodes, “Mas mahirap i-direk itong sina honey (Carmina), Cassy at Mavy. Dahil siyempre they know me as their tatay and husband. It’s normal na ang approach nila sa akin ay parang kaibigan.” 

Nagpapasalamat naman si Carmina sa tulong ng ilan nilang kasamahan sa bahay para maitawid ang production ng Sarap, ‘Di Ba?, “Yung PA ko na si Nesty, siya ‘yung taga-scroll ng teleprompter tapos si Yaya Cora naman siya ‘yung sumisilip sa camera at naka-suot ng headset for the audio.” 

Pagbabahagi ni Cassy, mistulang assistant director naman ang kambal, “Mavy is like the assistant director din kasi siya ‘yung nagche-check kung ok ‘yung lighting and camera angle. It’s really hard.”

Maliban sa surprise guests at cooking segments na kayang-kayang gawin at home, marami pang matutuklasan ang Kapuso viewers sa Legaspi family sa kanilang Sarap, ‘Di Ba? Bahay edition!

“Abangan nila ‘yung first time ng Legaspi family na mag-TikTok together. Dito kasi sa bahay hindi talaga kami nagpapa-shoot. Isa ‘yun sa mao-offer namin ngayon, they get to see our house,” dagdag ni Zoren. 

Dahil malapit nang magsimula ang online schooling sina Cassy at Mavy, sinusulit daw nila ang kanilang mga oras sa family bonding.

‘Wag palampasin ang masayang episode ng Sarap, ‘Di Ba? Bahay edition ngayong darating na Sabado (July 18), 10:45am, sa GMA Network.

Leave a comment