Lance Raymundo to begin shooting for ‘Penduko’ this August

Hindi naging hadlang kay Lance Raymundo ang Enhance Community Quarantine bunsod ng Covid-19 upang maging unproductive at matengga sa kanyang condo.

Kahit kasi naka-quarantine nang higit dalawang buwan, naging abala pa rin ang singer/actor/composer.

Pati pangangalaga sa kanyang katawan at paghahanda para sa pelikulang Penduko na pagbibidahan ni Matteo Guidicelli, ay nagawa rin ni Lance.

Esplika niya, “I work out everyday at home. Kaya actually, di ko masasabing natengga ako. ‘Coz I have kept myself busy the whole time.

“Then yung studio namin para sa music production house ni Rannie, iyong Madhouse Music Production-is also in the same building where I live … so kuya and I work there every day.”

So, masasabi niyang fit pa rin siya kahit two months na naka-quarantine sa bahay?

“Yes I’m still very fit! Thanks to my coach Culver Padilla and Team KPFITNESS na three times a week kami may online workout training, 9:30 am to 11 am.

“Then I also do online fight training with the Penduko Stunt Team, yung Redline Action Design, three times a week.

“So, I actually work out six days every week!” Pahayag pa ni Lance.

Nakagawa ba sila ng mga bagong song ng kanyang Kuya Rannie sa panahon ng quarantine?

Tugon ni Lance, “I’m actually working on my first collaboration with Rannie tonight. The past two months, I worked more in occasionally co-hosting his online radio show… Also, nakagawa na rin kami ng dalawang online charity concerts for two different beneficiaries.”

Nang first time siyang lumabas, after nang mahabang quarantine, nailang ba siya o nag-alala dahil maraming Pinoy na pasaway?

“Iyong first time kong lumabas ng house was sometime April to do groceries and buy other essential items for the household. Ako kasi yung nabigyan ng Quarantine Pass kaya ako yung lumabas.

“I was wearing heavy duty PPE from head to toe, so I felt safe at hindi naman ako nailang.

“But it was definitely great to see the outside world again. Kami kasi, one hundred percent kami sumunod sa quarantine, kaya talagang never ko nakita yung outside world ‘till the first time I went out to do groceries.

“So far, since quarantine started, I had the chance to go out a total of five times only. All for essentials-related errands.”

Ano ang latest sa movie nilang Penduko ni Direk Jason Paul Laxamana?

“We received our shooting sched na for Penduko. So, confirmed na, tuloy ang production this year. We begin this August,” masayang saad pa ni Lance.

Leave a comment