Kyline Alcantara continues to rise

Masuwerte si Kyline Alcantara dahil mabilis ang pag-angat ng kaniyang showbiz career. Mula nang mag-hit ang teleserye nila ni Bianca Umali na “Kambal Karibal” sa Kapuso Network na nasundan pa ng maraming shows kaya isa na rin siya sa mga maituturing na sikat na young stars ngayon. 

In fact, sa kaniya ipinagkatiwala ang masasabing millennial version ng pelikulang Blusang Itim na pinagbidahan noon ni Snooky Serna na ngayon ay may titulo nang “Black Lipstick.” Sobrang tuwa ng dalaga dahil sa dinami dami raw ng puwedeng gumanap dito ay siya ang nagbida sa pelikula. 

Isa pa sa mga ikinatuwa ay ang makasama niya si Snooky. Panay puri si Kyline sa beteranang aktres at hindi raw ito nagdaramot na i-share ang mga kaalaman lalo na sa pag-arte. May mga advice rin daw ang aktres sa kaniya na dapat ay maging pokus daw sa trabaho. 

Bukod kay Snooky, kasama rin sa pelikula sina Migo Adecer at Manolo Pedrosa bilang mga love interest ni Kyline sa pelikula. Walang ligawan o anuman na naganap habang ginagawa ang naturang pelikula. Mas tutok kasi sila sa trabaho. 

***

Kasama rin sa pelikulang “Black Lipstick” ang anak ni Allen Dizon na si Nella Dizon. Isa siya sa mga gagawa ng kamalditahan sa karakter ni Kyline sa movie. Panglimang pelikula na ito ni Nella na mula bata ay gumagawa na siya ng indie film. 

Kuwento niya nang aming nainterbyu ay gusto na sana niyang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aartista kaya lang ay nangako siya sa kaniyang parents na tatapusin muna niya ang kaniyang pag-aaral. 

Lumaking magalang na bata si Nella kaya naman tuwang-tuwa sa kaniya ang tumatayo niyang talent manager na si Dennis Evangelista na maraming kuwento kay Nella. Napaka-professional daw nito sa trabaho at tulad daw ng tatay niyang award winning actor ay tahimik lamang ito lalo na kung nasa set. 

Kung bibigyan daw ang dalaginding ng launching movie ay gusto niyang makapareha si Grae Fernandez ng Kapamilya Network na anak ni Mark Anthony Fernandez. Siyangapala, gusto pa raw makagawa muli ng mainstream movie ni Nella after ng Black Lipstick.

Leave a comment