Kris Bernal wants to be recognized as “award-winning actress”

Dream project para sa Kapuso actress na si Kris Bernal ang kanyang role sa pelikulang  “KontrAdiksyon” na idinirehe ni Njel de Mesa at iprinudyus ng Bell Films, ang movie production arm ng Universal Records.

Ayon pa sa kanya,  kakaibang Kris ang mapapanood ng mga fans at followers niya.

First time rin daw niyang gaganap bilang isang babaeng sangkot sa illegal drug  syndicate na hinahabol ng mga pulis.

“Hindi ko nga alam kung handa na ang tao kasi, ito talaga, intense and not just iyong eksena na involved sa drugs kundi pati iyong mga scenes, mga love scenes at mga sexy scenes. Minsan naka-lingerie lang ako. Tumatakbo akong mag-isa na naka-bra at pants lang. So, hindi ko alam kung paano ako tatanggapin ng mga tao for that. I guess, it’s  something that would excite people then and  look forward to see. At saka, I guess , if I could pull off a character na may angas  at bad na ako ay makikilala bilang versatile actress. Hindi ko naman tatanggapin ito kung hindi ako macha-challenge. I’m still after na makilala ako as a versatile actress.I’m still after that,” pahayag niya.

Wish din niya na maging daan ito para makilala siya bilang award-winning actress locally and internationally.

“Thankful ako for the opportunity kasi ilalaban siya internationally. Alam mo iyon, this could be a big chance for me to bag awards or what ever, and for so long in the industry,  for eleven years in the industry, I guess, sana ito na ang magbigay ng award sa akin,” aniya.

Intense rin daw ang mga eksena niya lalo na ang mga chase sequences sa pelikula.

“More on running siya, kasi lagi kaming tumatakas ni Jake. Napaghandaan ko naman dahil  basically I go to the gym weekly and physically fit naman ako. I don’t think there’s gonna be a problem in those action scenes,but so far, I don’t have those punches, those kicks na mag-aksyon. Most of the scenes, talagang tumatakbo kami kasi we’re running from people na gusto kaming hulihin. Hahabulin kasi kami  ng mga pulis at mga tao sa government. So, pure running lang siya,” lahad niya.

Bago raw niya tinanggap ang role, ipinaliwanag daw mabuti sa kanya ang role niya.

“Binigyan nila ako ng background story.Siyempre, sinabihan nila ako what’s happening now, na ganito iyong isyu na, kung  ganito kabigat ito at kung ano  nangyayari sa ating bansa. Well informed naman ako about the issue. Hindi naman ako tinanong ako kung pro-Duterte ba ako hindi,” esplika niya.

Nilinaw din niya na hindi propaganda ang pelikulang “KontrAdiksyon.”

“No. It’s not a propaganda. It will somehow bring peace to people who don’t understand the drug issues in our country. It will give them more understanding at  the same time, makikita nila, kung ano ba talaga ang  nasa likod ng isyu ng drugs, o kung ano ang nangyayari, paano ba kumkalat iyon at sino ba talaga ang dapat pagkatiwalaan. Iyon ang ico-cover ng movie,” sey niya.

Hindi rin daw siya iyong  tipo na mahilig makisawsaw sa isyu ng  pulitika.

“Kasi, I’m not that type of person na may pinapanigan. Kumbaga, sabi ko nga, dapat intindihin natin ang situation ng isang tao at iyong side ng isang tao.  I’m not saying that I’m pro or against but we don’t  know din naman kasi what’s the real story behind the news.  Hindi naman natin alam kung ano ang  nasa likod ng lahat. Hindi naman natin alam kung ano kung ano iyong pinapalabas sa TV o kung ano ba  iyong tinatago nila,” bulalas niya.

Hirit pa niya, eye opener daw sa kanya ang pelikula dahil marami siyang na-realize habang ginagawa ito.

“ The script kasi ,let me understand parang… huwag kang maging one-sided.  The script kasi  was very compelling and very  emotional siya. Tinuruan niya ako na intindihin din iyong side ng ibang tao. Though, for me, if you ask me, I’m still against it but we should understand each other’s situations. May kanya-kanya tayong buhay, may kanya-kanya tayong responsibilities in life. May kanya-kanya tayong dreams. Intindihin na lang natin, kung paano tayo  makakapag-provide sa family natin,and  kung paano maa-achieve ang  dreams natin,” ani Kris.

Gayunpaman, hindi raw niya sinusuportahan ang anumang uri ng karahasan o paglabag sa karapatang-pantao pagdating sa pagsugpo ng problema ng droga sa bansa.

“I’m not supportive of people who use drugs and I’m against that. Anything related to drugs,I’m against it and I’m firm about that  decision,” deklara niya. “Pero siyempre, ang buhay ay buhay. It’s something na hindi mo sasayangin. If you could live longer,we’ll  live longer. Every person has the chance to change his life. Lahat may pagkakataon, either, ngayon ,bukas, it’s just proper care and attention to  those people but  not the point that you will take the life,” dugtong niya.

Palabas na sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa sa Hunyo 26, kasama rin sa cast ng “KontrAdiksyon” sina Jake Cuenca, Katrina Halili, Ritz Azul, Paolo Paraiso, Arnold Reyes, Elizabeth Oropesa, Lou Veloso at marami pang iba.

Leave a comment