Korina burns basher calling her “Frustrated First Lady”

Mega patol ang Kapamilya broadcaster na si Korina Sanchez sa kanyang mga basher na ayaw siyang tantanan dahil sa pagtatanggol niya sa kanyang mga post kaugnay ng pagsasara ng kanyang mother network.

Hirit ng isang basher, mas magaling daw na broadcaster si Jessica Soho kumpara sa kanya kaya mas pinapanood nito ang huli kesa kanya.

Resbak ng Rated K host, ano raw ang ginagawa nito sa kanyang IG page kung hindi niya secret fan ito.

Ipinagmalaki rin ng matapang na broadcaster ang mga parangal at tropeong natanggap nito na aniya’y pahihiram niya sa basher para isabit sa leeg nito.

May isa ring troll na tinawag siyang “Frustrated First Lady.”

Buwelta niya: “Iz dat da best you can do? O sya. Please leave. Sakapang bruha. Out!”

Sabat naman ng isa pang basher, buti na lang daw at di nanalong Presidente si Mar Roxas dahil kung nagkataon, malamang pagpapa-cute lang ang gagawin nito kapag naging first lady.

Ganti ni Korina, proud daw kaya ang parents ng basher na ibinebenta nito ang kanyang kaluluwa bilang troll.

Umani rin ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizen ang pagpatol niya sa bawat basher na ibang-iba raw sa mga karakter ng ibang broadcaster tulad ng rival nitong si Jessica Soho.

Leave a comment