Kisses will never forget her time as Kapamilya

Para kay Kisses Delavin, nahaharap siya sa panibagong kabanata ng kanyang karera sa paglipat niya sa Triple Management bilang tagapamahala ng kanyang karera.

Katunayan, gusto na niyang mag-move on  sa pagkakabuwag ng love teams niya na hindi nag-work noon.  

Kaya naman, for a fresh start, welcome na welcome para sa kanya na makatrabaho si  McCoy de Leon bilang ka-love team na kapareha niya sa pelikulang “D’ Ninang” ni GB Sampredro.

Gayunpaman, tinatanaw daw niyang isang malaking utang na loob na nakilala siya at nagka-career sa PBB at sa mga shows ng ABS-CBN.

Speaking of McCoy, feel daw niya na may kakaibang chemistry sila ng Kapamilya actor dahil nagko-complement daw ang kanilang personality.

Kahit nagkakilala na sila noon sa Bahay ni Kuya sa PBB, refreshing daw para sa kanya ang maka-work si  McCoy.

Isa raw na puwedeng mai-offer ng love team nila ay ang pagiging totoo nila at kampante sa isa’t isa.

Thankful din siya dahil nabigyan siya ng opportunity na makasama ang comedy queen na si Ai Ai delas Alas sa isang pelikula.

Hindi  rin daw siya nagtataka kung malapit sa mga  batang artista ang komedyana.

“Para kasi talaga siyang nanay sa aming lahat. Masaya siyang kasama at masarap na paampon sa kanya,” hirit niya.

Pinagtiyap din daw siguro ng pagkakataon na dumating sa buhay niya ang aktres.

“Sobrang blessed ako na nakilala ko at nakatrabaho siya lalo na noong may mga isyu na nagsulputan,” lahat niya.

Ang tinutukoy ni Kisses ay noong panahon nadawit ang kanyang pangalan ng hindi pagbabayad umano ng damyos sa condo issue sa unit na pagmamay-ari ng anak ni Lorna Tolentino na si Rap Fernandez.

Nilinaw naman ito ng manager niyang si Rams na naresolba na ito at  napag-usapan na at kaso lamang ng miscommunication.

Thankful din si Kisses dahil isa si Ai Ai ang nagtanggol sa kanya noon.

Ito rin daw ang isa sa mga Kapuso talents na buong-buo ang suporta na ibinigay sa kanya noong magdesisyon siyang magbago ng talent management.

Katunayan, naging tour  guide pa raw niya ito nang tumuntong siya sa bakuran ng GMA-7 .

Tampok ang nag-iisang comedy queen na si Ai Ai delas Alas, kasama rin “D’ Ninang sina  McCoy de Leon, Lou Veloso, Kiray Celis, Joey Marquez ,Angel Guardian at  Kevin Miranda.

Leave a comment