Kimpoy blessed with new YT series

“Kuwento ‘to ng dalawang mag-bestfriend na si Paul tsaka si Angel na, alam mo ‘yun, kasi sa mga magbe-bestfriend ‘di ba, hindi natin alam kung hanggang saan ba talaga ‘yung label, hindi natin alam kung hanggang saan ka ba puwedeng magalit, hanggang saan puwede ‘yung care mo.

“But sometimes, ‘yung mag-bestfriend minsan ‘di ba mas pa e, kesa dun sa relationship. So ‘yung mas grabe ‘yung care, mas grabe ‘yung love.

“So tingnan natin kung sino ba roon sa dalawa ang nagtatago ng feelings nila dun sa isa’t-isa. So roon siya talaga iikot, with of course, kasama nung buong barkada natin na tropang kalog, doon sila magbibigay ng saya, ng lungkot, ng lahat ng emotion para dun sa dalawang character natin na si Paul at tsaka si Angel.”

Ito ang simulang kuwento sa amin ng direktor na si Bril V. Juan tungkol sa pinakabago niyang Youtube series na Laro Tayo, Taguan Ng Feelings na pinagbibidahan nina Kimpoy Feliciano bilang si Paul at Gie Cayetano bilang si Angel.

Bukod sa kanyang direksyon ay si Bril din ang gumawa ng screenplay nito mula sa orihinal na kuwento ni Kimpoy.

Mula sa Brilliant Stars Entertainment, Team Paolita at KUMU, ang Laro Tayo, Taguan Ng Feelings ay mapapanood tuwing Sabado, 8pm, mula September 11 hanggang October 16 sa Brilliant Stars Entertainment Youtube Channel.

Nasa cast din ang Kapuso young male star na si Ralph Noriega bilang si George, Jhelo Cristobal as Sir Ronnie, Aiyana Perlas as Nadine, Lara Fortuna as Celia, Gio Ramos as Jasper, Anjo Pertierra as Captain Dave, at si Kiki bilang si Sam.

Ilan pa sa mga nagawang proyekto ni Bril ay tatlong educational films na pinapanood sa mga eskuwelahan.

“Tapos nakapasok po ako ng Cinemalaya 2020, yung Parole po ang title, pero hindi pa po namin siya nagagawa because of the pandemic so parang ‘yung batch na yata naming 2020 ang pinakamatagal at pinakamaraming beses na in-announce na pasok sa Cinemalaya kasi parang pang-third year na namin this year na in-announce na next year 2022 sana matuloy na po ang Cinemalaya.

“Then before that po, nagawa ko po ‘yung In Between, mga BL series sa Youtube, ‘yung Stigma, Love While You Can tapos ito na pong Laro Tayo, Taguan Ng Feelings.”

Hindi pa siya nakakapag-direhe ng mainstream na pelikula.

“Pero naging part na ako ng mga mainsteram na pelikula, naging production assistant ako, naging script continuity ako.”

Kung mabibigyan ng pagkakataon na makagawa ng mainstream na pelikula si Anne Curtis ang nais ni Bril na maging artista niya.

“Kasi before na naging staff ako ng mga movies marami na akong nakatrabaho, ang isa sa pinaka hindi ko makakalimutan, sa lahat ng interview ko lagi kong sinasabi, na hindi ko makakalimutan na nakatrabaho ko ay si Anne Curtis kasi sobrang bait niya at sobrang professional pagdating sa trabaho.

“Pero siyempre mahirap, mahirap lalo na sa panahon ngayon, ang hirap lalo na sa producer na maglabas talaga ng pera because of the pandemic and I hope na sa mga susunod na taon matapos na ito para naman patuloy na tayong makagawa ng mga pelikula.”

Leave a comment