Kim Chiu says she’s open to make movies with friend Maja Salvador and ex-boyfriend Gerald Anderson

by PSR News Bureau

chiu2 Hindi lingid sa lahat na minsang nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ng magkaibigang Kim Chiu at Maja Salvador. Ito yung mga panahong naging girlfriend ni Gerald Anderson si Maja na ex boyfriend naman ni Kim. Hindi lumaon ay nauwi nga rin sa hiwalayan ang naging relasyon nina Gerald at Maja. Tuluyan na ring nagka-ayos sina Kim at Maja. Sa tagal ng panahon ay naging okay na rin naman sina Gerald at Kim. Dahil dito’y nabanggit ni Kim na open daw siya sa posibilidad na gumawa siya ng pelikula kasama ang dalawa. “Wala naman magiging problema. Okay naman na kami ni Maja, okay rin kami ni Gerald. So wala akong nakikitang masama kung magsasama kaming tatlo sa pelikula,” bulalas ni Kim.

Ayon pa sa chinitang aktres, past is past na daw. Friends na daw silang muli ng ex boyfriend at naniniwala itong time heals all wounds. Ayaw na raw niyang magtanim ng sama ng loob kaninuman kaya’t masaya raw siya na finally ay chiu gerald majanaayos na nga anumang hidwaan sa pagitan nilang tatlo nina Maja at Gerald.

Nang mahingan si Kim ng reaksiyon tungkol sa sinabi ni Gerald na gusto na raw nitong maging isang mabuting boyfriend sa next girl na makakarelasyon nito, sabi ni Kim: “Nasa tao naman yun. Kung gusto niya, magagawa niya. Hayaan na natin siya. Basta gusto ko rin mahanap na niya yung tamang girl para sa kanya.”

Kumusta na ba sila ni Xian Lim?

“Kami ni Xian, masaya kami. Thankful kami sa blessings na patuloy na dumarating sa amin. Sobrang komportable na namin sa isa’t-isa and he brings out the best in me,” pagmamalaki pa nito sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).

chiu3Tulad ng nauuso na ngayon sa showbiz, ayaw rin lagyan ng label nina Kim at Xian ang anumang namamagitan sa kanila. “Hindi naman kasi kailangan ng label, as long as ang dalawang tao, masaya and komportable sila at mutual yung pagkakaintindihan nila.”

Si Xian na ba talaga ang Mr. Right niya?
“Sana. Pero we never know.”

Leave a comment