Kim Chiu on ‘Sa Tamang Panahon’ gown issue

by PSR News Bureau

kim Sa kabila ng naging tagumpay na concert na ‘Sa Tamang Panahon,’ inulan ng batikos ang isinuot na gown ni Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza sa nasabing event. Ito rin kasi ang parehong gown na idinisenyo ng sikat na fashion designer na si Francis Libiran na minsan nang ginamit ni Kim Chiu sa isang fashion show. Nananawagan na nga mismo si Kim Chiu na huwag itong gawing malaking isyu among fans. “Please don’t make a big deal out of it. It’s just a gown. No haters please. Ang mahalaga maraming taong napasaya. Let’s all spread the love and be happy about it.”

Binigyang linaw rin ni Francis Libiran na bagamat parehong gown nga ito na isinuot ni Kim Chiu dati during his Spring/Summer 2015 collection, sinabi niyang he feels glad, honored and grateful’ na ang gown na ito ang napili ni Liz Uy para sa StyLIZed Studios Inc. para suotin ni Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza sa nasabing concert.
lizAyon sa fashion stylist na si Liz Uy, ang siyang responsible sa mga isinusuot ni Maine, ang naturang gown daw kasi ay tumutumpak sa konsepto ng mala-Cinderella theme ng nasabing concert ng AlDub kung kaya’t ang gown na iyon ang napili nila.

Leave a comment