Kim Chiu affected by Xian Lim’s IG post

Kamakailan ay nag-post si Xian Lim ng isang emotional message sa kanyang Instagram account.

Ito ay tungkol sa rejection na nararanasan niya sa showbiz.  Nabasa ‘yun ng rumored girlfriend niyang si Kim Chiu. At nag-alala ito. Kaya tinanong niya si Xian tungkol dito.

“Tinanong ko nga siya kung ano ‘yun. Sabi niya, parang, ano lang, inspiring words sa mga taong dina-down. Sabi ko, ‘Halika na, libre na lang kita. Huwag ka nang ano diyan. Pero wala naman daw,” sabi ni Kim.

Tinanong niya rin daw si Xian kung may problema ito, na kung ano ang problema nito. Wala naman daw ang sagot sa kanya ng aktor.

•••••••••••••••••••••••••

Nung Wednesday, August 1, ang death anniversary ng dating pangulo ng Pilipinas na si Corazon Aquino.

fb_img_1533431789933

Sa Instagram account ni Kris Aquino, nag-post siya ng heartfelt message para sa kanyang namayapang ina, na inalala niya ang araw na sumakabilang-buhay ito.

Sabi ni Kris sa kanyang IG post, ”2 AM, August 1, 2009 you said goodbye to us; you battled cancer willingly because you knew we needed those 17 borrowed months w/ you… your time of death & the date- had eerily the same numbers present as dad’s. He was killed 1 PM, August 21. In my heart i’m sure you’re happy in heaven now reunited w/ the only man you ever loved.”

Ayon pa kay Kris, naniniwala siya sa true love, dahil sa kanyang mommy.

Because of what I saw in you, I can still believe that true, committed and enduring love is real because dad was your 1st, last, & only love.” 

Ibinahagi rin ni Kris sa kanyang message, na nalulungkot siya na hindi na na-witness ng kanyang mommy na lumaki ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby, na matitinong mga bata.

fb_img_1533432754538

Nanghihinayang lang ako na hindi mo naabutan ‘yung development ni kuya josh & how slim, respectful, generous in sharing, effortlessly kindhearted, polite, gentle & appreciative he’s grown up to be… since Bimb was only 2- you didn’t fully experience the male Kris in your youngest apo. For sure you’d be the proudest w/ how he’s turning out: excellent grades, articulate, truthful, protective, driven, caring, and responsible.”

Leave a comment