Kid Yambao reacts to Yen Santos’ kiss: Masarap

Sina Kid Yambao, Lassy, at Yen Santos ang mga bida sa indie film na “Two Love You” mula sa OgieD Productions.

“Ako nga po pala rito si Winston, ang pinakamabait na waiter sa isang restaurant. Ulila na sa ama. Mahal na mahal ko ‘yung nanay ko, kahit puro sablay ang ginagawa niya. Mapagmahal ako sa kapwa.  Ayun nga, na-inlove ako sa bading (Lassy) at sa babae (Yen),” kwento ni Kid tungkol sa kanyang role sa “Two Love You.”

Sa totoong buhay ba, ay nagkaroon na rin siya ng relasyon sa isang gay before?

“Gay? Wala po! Wala,” sagot ni Kid.

Pero posible bang magkagusto o ma-inlove rin siya sa isang gay, katulad ng role niya sa kanilang pelikula?

“Sa tingin ko, hindi, eh. Kahit anong isip ko, hindi, eh,” sagot niya.

“Sa pelikula, ‘yun ang role ko, kailangan kong ma-inlove sa bading. Pero in real life, hindi talaga, eh.”

May kissing scene raw sila ni Lassy sa pelikula, na nakunan na? Hindi ba siya nag-dalawang isip na gawin ‘yun?

“Hindi naman. Siyempre trabaho. Kaya sino ba naman ako para humindi.”

Kung may kissing scene si Kid with Lassy, ay mayroon din siya with Yen. Kamusta ang kissing scene nila ni Yen?

“Masarap,” natatawang sagot ng Hashtags member.

Gaano katagal ang kissing scene nila?

“Mabilis lang, eh. Nabitin nga ako, eh.”

So, gusto niya matagal ang kissing scene nila ni Yen?

“Naman!”

May nanligaw o nagparamdam na ba sa kanya na gay?

“Meron,” pag-amin ni Kid.

“Pero hindi ko alam kung talagang nanliligaw. Nasa states siya. Nagpapadala siya ng mga gamit sa akin sa Showtime. Pinapa-ship pa niya talaga. Pero ‘yun nga, hanggang pakikipagkaibigan lang ako sa mga bading.”

Leave a comment