Ken Chan, Sanya Lopez reunite, reveal showbiz crush

Present sa Walang Tulugan reunion na hatid ng GMA Artist Center “Artist Collab” noong June 5 sina Ken Chan, Sanya Lopez, Jak Roberto, Buboy Villar, Teejay Marquez, Eian Rances, Marika Sasaki, at Mico Aytona.

Hosted by Jackie Lou Blanco and John Nite, nakasama nila ang ilan sa mga “anak-anakan” ni German Moreno a.k.a. Kuya Germs, online.

Napag-usapan nila ang ilan sa kanilang best memories sa show at inalala rin nila ang moments nang kasama pa nila ang Master Showman.

Nagkabukingan din ang mga Walang Tulugan stars nang tanungin sila kung sino ang naging crush nila noon sa show.

Kuwento ni Sanya, may crush daw siya kay Ken noon dahil sa pagiging mabait at approachable nito.

“Yung crush ko inamin ko kay Ken Chan ‘yon ‘eh, kasi siya ‘yung unang nag-approach sa’kin. Sobrang approachable kasi ni Ken. Sabi ko, ‘Ang bait naman ni Ken, crush ko na siya.’ Tapos ang tali-talino,” pag-amin niya.

“Ewan ko kung alam ni Sanya ‘yon pero kung ako ang tatanungin, kay Sanya rin po ako unang napukaw noon,” sagot naman ni Ken.

Ano naman kaya ang naging reaksyon ng kuya ni Sanya na si Jak?

Panoorin muli ang nakakatuwang reunion ng Walang Tulugan stars sa ‘Artist Collab’ ng GMA Artist Center na mapapanood sa Facebook pages ng GMA Network at GMA Artist Center.

Leave a comment