Ken Chan looking for right girl; Heart Evangelista more than just a pretty face

FEELENNIAL / Column
Sasabak sa newest online dating game ng bayan na “E-DATE MO SI IDOL” ang Kapuso star na si Ken Chan ngayong Huwebes, June 11, at maghahatid siya ng saya at kilig sa tatlong maswerteng searchees.

Live na live na mapapanood ito sa GMA Artist Center Facebook page at dito rin sila pipili ng may mga pinaka-magagandang sagot sa kung bakit nila dapat maka-e-date ang Kapuso actor.

Inimbitahan naman ni Ken ang mga masusugid niyang tagahanga na sumali sa once-in-a-lifetime opportunity na ito, “Give it your best shot, mga Kapuso!”

Huwag magpahuli sa mga update sa paborito ninyong Kapuso stars at i-follow ang GMA Artist Center sa Facebook at Instagram.

*****

May sarili man syang pinagdadaanan, patuloy pa rin sa pagpapaabot ng tulong ang Kapuso star na si Heart Evangelista sa mga higit na nangangailangan.

Kasama na rito ang pagdo-donate ng cash at groceries sa mga nagme-message sa kanya online, pamimigay ng vitamins sa mga magigiting na frontliners, at recently ay ang pamamahagi niya ng 550 tablets para sa mga estudyanteng kapus-palad at walang magagamit ngayong isinusulong ang online classes sa bansa.

Ginamit ni Heart ang perang nalikom niya sa ibinentang painting na kanya mismong gawa para makabili ng daan-daang tablets.

Bumuhos naman ang suporta kay Heart na walang-sawa sa pagtulong sa kabila ng mga bumabatikos sa kanya.

“Keep fighting, Ms. Heart! Just do what you want to do, don’t mind those people especially those trolls! Thank you for helping our, Dear Kababayans!”

Nagpahayag din ng paghanga ang karamihan sa pagiging totoo ni Heart, “The reason why I really love this woman is because she’s always true to herself. She never changed who she was no matter what. Don’t hate her for what you don’t have.”

Leave a comment