KC Concepcion and Piolo Pascual are finally friends again!

Rommel_Placente

By: Rommel Placente

KC Concepcion and Piolo Pascual are finally friends again!

KC-Concepcion-and-Piolo-Pascual-Break-UpAfter 4 years ay nagkausap at nagkaayos na ang dating nagmamahalang sina Piolo Pascual at KC Concepcion. Magkasama kasi ang dalawa ngayon sa London para sa show nilang ASAP 20. At doon ay nag-usap sila sa isang restaurant at inayos nila ang dapat ayusin. Sa Instagram account ni KC ay nag-post siya roon ng picture na kasama niya si Piolo at ang tanging caption na nilagay niya lang roon ay ‘opo.’
Parehong single ngayon sina Piolo at KC at sa kanilang pagbabati, maging dahilan kaya ito para dugtungan nila ang naunsiyami nilang relasyon? Magkabalikan kaya sila? Tingnan na lang natin kung ano ang susunod na kabanata sa buhay ng dalawa.

[divider]

 

wencyWency Cornejo slams Jovit Baldevino for lack of respect and class

Galit pala si Wency Cornejo kay Jovit Baldivino. Sa Facebook post niya, sinabi niyang nagkasama sila ni Jovit sa isang show kamakailan sa General Santos City. Nalaman daw niya na kakantahin ni Jovit ang kantang sinulat at pinasikat niya na Hanggang. Nakiusap daw siya rito na huwag na nitong kantahin ang Hanggang. Pero kinanta pa rin daw yun ni Jovit sa kabila ng pakiusap niya. Kaya sa galit niya, sinabi niya na nakakalungkot daw na isipin na may mga performer katulad ni Jovit na hindi marunong rumespeto sa mas nakakatandang musiko.

[divider]

Alex Medina shrugged off ‘groping’ incident at Cosmo Bash

alex medinaBukod kay Alex Castro, isa rin si Alex Medina na nakaranas na mahipuan nang rumampa siya sa Cosmo Carnival noong Sabado, sa SM Mall of Asia Concert Grounds, sa Pasay City. Natatawang kuwento ni Alex sa isang interview sa kaya, “May humawak ng ano ko… babae naman ang humawak. Isa lang naman. Okay lang, pinisil niya, kinurot.”
Okay lang kay Alex na nahipuan siya dahil babae naman daw ‘yun. Siguro ay nasarapan din naman,siya, di ba? Joke! Pero paano kung bading ang humipo kay Alex, baka sinapak niya yun.

Leave a comment