Katrina Halili, Dion Ignacio play lovers in ‘MPK’

Isang kakaibang kuwento ng isang babaeng iibig sa kambal ang tampok sa upcoming episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Masayang namumuhay si Connie (Katrina Halili) at asawang si Jak (Dion Ignacio) kasama ang kanilang mga anak.

Bigla na lang mababalitaan ni Connie na may ibang babae si Jak kaya agad niyang hihiwalayan ito!

Nang malaman ni Connie na may malubhang sakit si Jak, babalikan niya ito at aalagan. Sa kasamaang palad, mamamatay din si Jak.

Sa libing ni Jak, ikagugulat ni connie nang malamang may kakambal pala ito, si Jill (Dion Ignacio).

Sinisisi ni Jill si Connie sa pagkamatay ng kakambal. Bukod dito, masama rin ang loob nito sa pag-iwan ni Connie kay Jak dahil tsismis lang naman ang naging basehan nito.

Asot’s pusa man sila, tumutulong pa rin si Jill sa pag-aalaga at pagpapalaki ng mga anak ni Connie.

Dahil dito, muling titibok ang puso ni Connie. Pero tama bang mahalin ang kakambal ng kanyang yumaong asawa?

Alamin sa “Kambal na Pagmamahal: The Connie Guarino Story,” ngayong Sabado, September 12, 8:00 pm sa Magpakailanman sa GMA.

Tampok din sa naturang episode sina Gina Alajar, Djanin Cruz, Leanne Bautista at Bryce Eusebio, sa direksyon ni LA Madridejos.

Leave a comment