Katrina Halili answers Wendell Ramos’ intriguing questions

Kahit na magkaribal sa serye, hindi maikakaila na close sa isa’t isa ang ‘Prima Donnas’ stars na sina Katrina Halili at Aiko Melendez pati na rin ang kanilang love interest sa show na si Wendell Ramos.

Patunay na riyan ang nakakaaliw na vlogs na inupload ng tatlo sa kani-kanilang YouTube channels na kuha mula sa naganap na 21-day lock-in taping ng Prima Donnas.

Sa YouTube channel ni Wendell ay sumabak ang kapareha niyang si Katrina sa isang nakakatuwang ‘Lie Detector Challenge.’

Game na game namang sinagot ng aktres ang mga katanungan ng aktor habang suot ang isang toy machine na magsasabi kung ‘Lie’ o ‘Truth’ ang sagot.

Ilan sa mga pabirong tanong ni Wendell ay kung may chance ba silang dalawa na natatawa namang sinagot ni Katrina na wala raw.

Damang-dama naman ng netizens ang good vibes na hatid ng Prima Donnas stars mula sa kanilang behind-the-scene vlogs at clips.

Sey pa ng isang netizen sa tatlo, “Grabe. Bata palang ako ganito na mga mukha nila, until now. Mga hindi tumatanda.”

Samantala, todo-abang na rin ang fans at viewers ng show sa nalalapit na pagpapalabas ng fresh episode ng serye. 

Kasalukuyan namang napapanood ang recap ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime. 

Leave a comment