Kathryn, Iza, Gelli, Arci, Aljur, Robi to host 35th PMPC Star Awards for Movies

MAKASAYSAYAN ang 35th PMPC Star Awards For Movies dahil  ipinagdiriwang natin ngayon ang ika-100 taon ng Philippine Movies, magsasama-sama sa isang entablado ang mga maniningning na bituin ng siglo, at bibigyang parangal ang mga mahuhusay na alagad ng pelikula, sa isang gabi ng pagtitipon ng mga bituin, sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila, sa ika-2 ng Hunyo, 2019.

Magsisilbing hosts sina Kathryn Bernardo, Iza Calzado, Gelli de Belen, Arci Munoz, Aljur Abrenica at Robi Domingo.

Opening number sina Darren Espanto, Sam Concepcion, Ylona Garcia, Klarisse de Guzman at  kakantahin nila ang Star Awards Theme Song with the theme Passage of Time Medley.

Isang matinding hatawan, a Dance Evolution from 1950’s to Millennial ang paaapuyin sa entablado nina Maja Salvador, Heaven Peralejo, AC Bonifacio, Kira Balinger at Belle Mariano, Jameson Blake, Zeus Collins, Grae Fernandez, Fumiya, Yam Yam, Julian Trono , Lance Carr at Marco Gallo with Hotlegs and PHD Dancers.

At sa Tribute sa Mga Natatanging Bituin ng Siglo, aawitin ni Concert King Martin Nievera ang Medley of Gratitude Songs para haranahin ang mga alagad ng sining na natatangi sa kanilang ‘di matatawarang kontribusyon sa  Pelikulang Pilipino.

Mula sa pamunuan ng Pangulong Sandy Es Mariano, mga opisyales at miyembro, ang 35th PMPC Star Awards For Movies ay sa produksyon ng Airtime Marketing Philippines ni Ms. Tess Celestino at sa direksyon ni Bert de Leon.

Mapapanood ang kabuuan ng palabas sa ika-16 ng Hunyo, 2019, sa ABS-CBN’s Sunday’s Best.

Leave a comment