Kathryn Bernardo pulls off confrontation scene in ‘Three Words To Forever’

Pang-best actress ang aktingan ng young movie queen na si Kathryn Bernardo na nakatakdang lumipad sa Los Angeles ngayong December 1 para sa screening ng kanyang bagong pelikula na “Three Words To Forever,” directed by Cathy Garcia-Molina.

All out ang support ng kanyang boyfriend na si Daniel Padilla na hindi kasama sa casting ng pelikula. Hinayaan ng binata na makapag-explore pa ang dalaga bilang isang artista. Kahit hindi kasama sa pelikula ay walang humpay ang suporta ni Daniel sa girlfriend na naging escort noong premiere night.

Sweet na sweet ang dalawa sa tuwing sila’y magkasama. Hatid sundo ni DJ si Kath sa kanyang mga lakad. 

Sa bagong offering ng Star Cinema, magaling ang pagganap ng aktres bilang anak nina Sharon Cuneta at Richard Gomez. Nakipagsabayan siya sa aktingan sa mga seasoned actors sa kanilang confrontation scene.

Highlight ng pelikula ang confrontation scene na nagpaiyak sa mga manonood. Nag blend ang young movie queen sa istilo ng pag-arte nina Shawe at Goma.

Kahit hindi kapareha ang boyfriend sa family drama movie, hindi ipinagdamot ng dalaga ang mga sweet na eksena kasama ang baguhang artista at ex-PBB housemate na si Tommy Esguerra.

Masayang masaya ang Kapamilya actress sa first day ng pelikula dahil pinilahan ito at maraming fans ang nagpa-blockscreening para suportahan ang kanilang movie queen.

Biro ng mga fans, nagpadasal at nagpa-misa pa raw sila para sa success ng “Three Words To Forever” na handog ng Star Cinema sa selebrasyon ng National Family Day. 

Showing pa rin sa lahat ng sinehan sa bansa. Kasama rin sina Freddie Webb, Liza Lorena, at Joross Gamboa.

Leave a comment