Karla Estrada having a boyfriend? Daniel Padilla disapproves

Sabay na nag-guest sa “Magandang Buhay” noong Martes sina Ian Veneracion at Daniel Padilla.

Kaya sabay silang pinag-guest sa nasabing morning show ng ABS-CBN 2,  ay dahil close sila. 

Nagsimula ang friendship nila noong nagkasama sila sa defunct drama series ng Kapamilya network na “Pangako Sa ‘Yo” na gumanap sila rito bilang mag-ama.

Nahilig sa motor si Daniel dahil naimpluwensiyahan siya ni Ian na mahilig mag-motor.  Pero ayon sa mommy ni Daniel na si Karla Estrada, isa sa hosts ng MB, ay natatakot daw siya kapag nagmo-motor ang anak.

“Ang kaluluwa ko, hindi kayang nagmo-motor si Daniel. So kung hindi si tito Ian niya, o si Papa ( Rommel Padilla) niya ang makakasama niya (na nagmo-motor), hindi ako talaga (pumapayag)”sabi ni Karla.

Patuloy niya, “So kapag magpapaalam siya, tapos dadaaan siya diyan sa kalsada, wala akong pahinga sa nerbyos ko. Parang you’re in pain, but you just have to used  to it.”

Sa sinabing ito ni Karla, sumagot si Ian. Sabi niya na natatawa, “Kaya nga sinasabi ko sa kanya (Daniel) lagi, mag-iingat ka.  Kahit ‘yung daliri mo sa paa, hindi pwedeng mabalian. Kahit siguro 50 years old ka na, ‘pag nasugatan ka sa motor, kasalanan ko pa rin ‘yun. Ako ang sisisihin ng nanay mo.”

Ayon naman kay Daniel, naiintidihan niya ang nanay niya kung ganoon na lang itong mag-alala sa kanya.

“Pero lagi ko namang sinasabi sa kanya, “Ma, hindi naman pwedeng lagi na lang tayong natatakot. Hindi tayo pwedeng mabuhay sa takot dahil hindi natin maabot ang  mga pangarap natin.”

Sa sinabing ito ni Daniel, tinanong siya ni Jolina Magdangal, co-host ng mommy niya sa MB, na paano raw kung muling magmahal ang mommy niya, matatakot ba siya? Ang tanging sagot ni Daniel, “Huwag nating pag-usapan ‘yan.”

Sa narinig na sagot ni Daniel, tinanong naman siya ni Melai Cantiveros, kung over-protective ba siya sa kanyang mommy?

“Alam ninyo, lumaki ako na..marami akong nakilala rin (na mga minahal ni Karla).. and alam naman natin na may darating at darating din. Pero pinag-usapan namin ni Mama,” sabay buntong-hininga ni Daniel, na hindi na tinuloy ang sasabihin.

At ang natatawang reaksyon naman ni Karla sa sinabing yun ni Daniel, “Ganito na lang anak, mag-compromise tayo. Hindi na ako mag-aasawa hanggang sa pagtanda ko. Pero kasakasama mo ako kahit saan kayo magpunta ni Kathryn (Bernardo). I’m just here anak.”

Aminado naman si Daniel na seloso siya kaya hanggat maaari ay ayaw niya nang mag-asawa ang ina.

Leave a comment