Kapuso star Dennis Trillo wishes to work with Bea Alonzo, Sarah G

Sa isang interview ni Dennis Trillo, tinanong siya kung sino sa Kapamilya actress ang gusto niyang makatambal, since nakagawa na siya ng pelikula sa Star Cinema.

Sagot niya, “Ang dami, e. ‘Yun ang maganda sa ABS-CBN, Star Cinema, andami mong puwedeng pagpilian. Ang hirap mamili kasi ang daming magagaling.”

Pero sa huli, nagbanggit na rin ng pangalan si Dennis.

“Siguro si Sarah Geronimo or Bea Alonzo,” aniya pa.

Ang dahilan ni Dennis kung bakit ang dalawa ang napili niya, “Bukod sa very pleasant silang dalawa, parang feeling ko sila ‘yung dalawa sa mga pinakamagaling na napanood ko sa drama.”

Sa puntong iyon, ipinaalala kay Dennis na nagkatrabaho na sila noon ni Bea sa ABS-CBN youth-oriented show na K2BU.

“Ang tagal na noon, wala na yatang nakakaalala,” nangingiting sabi ni Dennis.

“Magkasabay kaming ni-launch ni Bea sa Star Circle. May ginawa kaming show. After noon, ‘yun na yata yung last na ginawa namin.”

Sa sinabing ito ni Dennis, at kung makakarating ito sa Star Cinema, baka sa susuonod na kunin ulit siya ng nasabing movie outfit ay either si Sarah o Bea ang ipareha sa kanya, di ba?

*****

Noong October 21, Lunes, ay 7th anniversary sa showbiz ni Jeric Gonzales. Nagkataon naman na that day, ay ang pilot episode ng bago niyang serye sa GMA 7 na Magkaagaw, na siya ang lead actor. 

Gumaganap siya bilang mister ni Klea Pineda, na nagawang magtaksil. Nakipagrelasyon siya sa isang cougar, na ginagampanan ni Sheryl Cruz.

Happy si Jeric na naging maganda naman ang takbo ng kanyang career sa loob ng pitong taon niya sa showbiz. 

Hindi siya pinababayaan ng Kapuso network, ang kanyang mother studio. Lagi siyang binibigyan ng proyekto. Pagkatapos nga niyang magbida sa Ika-5 Utos, heto’t siya nga ang bidang lalaki sa Magkaagaw. 

Kaya naman sobrang thankful ang gwapong binata sa pagmamahal at pagsuporta sa kanya ng Syete.

Samantala, sobrang happy din si Jeric, na natupad na ang pangarap niyang maging image model ng Bench. Hindi nga siya makapaniwala na makikita niya ang sarili sa isang malaking billboard, na matatagpuan sa Katipunan, bilang newest endorser ng nasabing clothing brand. 

Leave a comment