Kakai shares how she gave up other projects, enjoys ‘First Yaya’

Isa si Kakai Bautista sa mga artistang matapang na hinaharap ang panganib ng pandemya.

Buong giting na sumasalang si Kakai sa mga taping sa gitna ng banta ng panganib ng coronavirus.

Although aminado ang komedyana na mahirap itong gawin, lalo pa kapag sabay-sabay na dumarating ang magkakaibang proyekto.

“Kasi ano, kailangan nyong mag-usap-usap, kailangang magbigayan ng very light tapos kailangan ahead yung time ‘pag sinabing may taping sa ganito, may taping sa ganyan.

“So kailangan hati-hatiin ‘yung time.

“Nung una nakaka-stress kasi bago kasi para sa ating lahat ito so… dati kasi puwede kang umuwi,  tapos raraket ka riyan, taping ka riyan, tapos balik ka ulit dun sa isang show. 

“Ngayon hindi, e.

“Kailangan mo talagang i-manage yung time mo nang tama, na lahat ano, hindi mawawala.

“Pero sa akin, meron talagang isang show na magsa-sacrifice, kasi ‘pag tinamaan talaga ‘yung  schedule nun, tapos mas kailangan ako dito sa show na ‘to,  iyon ‘yung ano, iyon ‘yung mananalo.

“So may isang mawawala.

“Pero  okay lang kasi alam ko naman din na meron pang chance na  bumalik. Wow,” ang pagpapatawa pa ni Kakai.

Marami na nga raw siyang tinanggihang proyekto dahil nga mahirap maglagari o mag-taping na sabay-sabay nang higit sa isang show. 

“Marami na rin po kasi ano dahil marami pong lock in so hindi ko na rin po magagawa o kung okay lang po sa kanila, ‘yung kalahati ng katawan ko nasa First Yaya,  tapos ‘yung kalahati nandun sa kabila, puwede naman siguro,” at tumawa si Kakai.

“Pero hindi kasi puwede so give up na lang ‘yung iba.

“Hindi naman ako nagsisi, masaya naman.”

Para nga raw silang isang buo at masayang pamilya sa set ng First Yaya na umeereng teleserye ngayon sa GMA.

Bida sa First Yaya si Sanya Lopez (bilang si Melody Reyes) at Gabby Concepcion (bilang Glenn Acosta); nasa nabanggit na teleserye rin sina Sandy Andolong (Edna Reyes), Pancho Magno (Conrad Enriquez), Gardo Versoza (Congressman Luis Prado), Glenda Garcia (Marni Tupaz), at Pilar Pilapil (Blesilda Acosta).

Kasama rin sa First Yaya ang tandem nina Cassy Legaspi (Niña Acosta) at  Joaquin “JD” Domagoso (Jonas).

Nasa First Yaya rin sina Boboy Garovillo (Florencio Reyes), Cai Cortez (Norma), Thia Tomalla (Val), Anjo Damiles (Jasper), Clarence Delgado (Nathan Acosta), Thou Reyes (Yessey Reyes) at sina Kiel Rodriguez, Analyn Barro, Jerick Dolormente, Princess Aguilar, Muriel Lomadilla, Nicki Morena, Allen Dizon, Frances Makil-Ignacio at Mikoy Morales.     

Napapanood ang First Yaya Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng gabi, sa direksyon nina LA Madridejos at Rechie del Carmen.

Leave a comment