“K-llagen” perfectly made for Korina

Ang kilalang TV host at news anchor na si Korina Sanchez-Roxas ang bagong brand ambassador ng Beautéderm family.

Kasabay sa pagdiriwang ng Beautéderm Corporation sa 11th anniversary nito ang isang kolaborasyon kasama ang veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas sa pamamagitan ng isang sensational at bagong produkto – ang Slender Sips K-llagen Collagen Drink.

Inabangan ng marami ang ipakikilang bagong kapamilya ng Beautederm mula nang nag-post sa kanyang Facebook account ang CEO at President nitong si Ms. Rhea Anicoche Tan na dream come true ang bagong endorser ng kanyang kompanya.

Last July July 30 ay ipinakilala si Ms. Korina bilang bagong kapamilya ng Beautederm.

Korina Sanchez with Beautéderm owner Rhea Tan

Maganda ang lumabas na promotional poster at video nito. Sosyal at bagay na bagay sa image ni Ms. Korina.

Marami rin ang nagsasabi na younger looking talaga rito ang magaling na broadcast journalist.

Tapos na sa wakas ang matagal na paghihintay at maaari na ngayong i-reveal at ibahagi ni Korina ang isa sa kanyang mga best kept secrets na kanyang pinaniniwalaan na pinakamalapit sa Fountain of Youth.

“Marami ang nagtatanong kung bakit mukha akong bata para sa sa aking edad. Well, K-llagen is a healthy and delicious collagen drink that I take every day,” sambit ni Korina.

Pahayag pa niya, “At long last, the long wait is finally over. After almost two years of research and actual testing on myself, I can now reveal and share one of my best kept secrets to what I think is the nearest thing to the Fountain of Youth: Beautederm Corporation’s awesome new product – K-llagen.

“People ask me how I look younger than my age. Well, K-llagen is a healthy collagen drink that I take everyday. Collagen is an essential supplement to keep our bodies internally and externally rejuvenated. Collagen preserves and promotes youth of our organs including skin and hair. K-llagen has other all-natural ingredients added to collagen, meticulously formulated to provide the body a daily boost of energy, vitality, and youth.”

“Handa na ba kayong sumigla, bumata, at gumanda? K-llagen is here and it really, really works. Cheers!” Pahabol pa ni Korina.

Ang collagen ay isang essential supplement na dahilan kung bakit rejuvenated ang ating katawan, internally at externally.

Ang Slender Sips K-llagen Collagen Drink ay ipinamamahagi ng Beautéderm’s sister company na RD Healthy Living Corporation. Ang FDA-Notified product na ito ay naglalaman ng all-natural ingredients tulad ng sodium hyaluronate, chamomile, pomegranate at Sakura flower extracts added sa collagen.

Ipinahayag naman ng lady boss ng Beautéderm na malaking karangalan na maging endorser si Ms. Korina.

Saad ni Ms. Rhea, “I welcome Ms. K with open arms and a happy heart. Idol ko siya, mahal na mahal ko siya at grateful ako sa aming friendship at sa kanyang tiwala.

“This is so exciting. The drink currently has a strawberry milkshake flavor and we will launch other flavors in the months to come. Malaking karangalan na si Ma’am Korina ang nagre-represent sa produkto naming ito.”

Para sa karagdagang impormasyon at exciting updates ukol sa K-llagen at kay Korina Sanchez-Roxas, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

Leave a comment