Hindi lang artista, kundi isa na ring businessman ngayon si Joshua Garcia. Isa siya sa may-ari ng music school na Academy of Rock Philippines, na ang grand opening nito ay ginanap noong Linggo ng gabi.
“Ako, nag-start kasi ‘yung pagiging business minded ko nu’ng nag-pandemic. Si Enchong (Dee, isa sa owners ng Academy of Rock Philippines), ang nagpasok sa akin para sa school na ‘to. And ayun, hindi ko sinayang ang pagkakataon para pumasok sa ganitong klase ng business. Hindi naman basta investment lang ito, eh. Education din para sa mga tao, para mas ma-hone ‘yung talent nila sa music,” sabi ni Joshua tungkol sa pagiging isa niya nang busineman.
Sa Academy of Rock Philippines, ang pag-aaralan dito, bukod sa singing, ay kung paano gumamit ng gitara, piano, ukelele, drums, cajon at iba pa na related sa music.
Isa itong face-to-face learning. One on one class ito. One student, one teacher policy. So safe ang mga mag-i-enroll dito.
Sa mga gustong mag-enroll, punta lang kayo sa Academy of Rock Philippines, na matatagpuan sa 19 Sct. Borromeo Barangay South Triangle, Quezon City.
Open ito mula Lunes hanggang Linggo, 10:00am-8:30pm.
Samantala, nakakatuwa si Joshua, dahil mananatili siyang loyal sa ABS-CBN 2. Hindi siya tutulad sa ibang dating Kapamilya stars na lumipat sa GMA 7.

Ang katwiran niya kung bakit hindi niya iiwan ang ABS-CBN, “Unang-una siyempre, dito ako nagsimula, eh, dito ako lumaki. Sila ‘yung nagpakilala sa akin (sa publiko), so, ang hirap bitawan para sa akin. And alam ninyo ‘yun, kahit na walang prangkisa, patuloy pa rin silang nagbibigay ng proyekto sa akin. Hindi nila ako pinababayaan. Tapos, patuloy pa rin silang nagpapasok ng mga artista. Nagbibigay ng hope para du’n sa mga aspring, na gustong mag-artista, ‘yung may mga talent. Nakakatuwa lang na kahit nandu’n sila sa hindi magandang sitwasyon, patuloy pa rin ang serbisyo nila sa mga tao.”
*************
Inimbitahan kaming dalawa ng co-writer ko na si Fernan de Guzman ng aming kaibigang si Ogie Diaz na mag-swimming ng dalawang araw, kasama ang grupo niya na Team Wa Echos, sa Cab’s Pool Events Place, na isang private resort.

Matatagpuan sa Zone 1, San Nicolas, Arayat Pampanga. Ito ay pag-aari ng mag-asawang Dr. Mike and Agnes Cabanting. At ang kanilang unica hija na si Carmina ang tumatayong General Manager.
Si Jennifer Geroche, na kaibigan din namin, na family friend nina Doc Mike, ang siya namang nag-invite kay Ogie para mag-swimming sa Cab’s Pool Events Place.
Mabuti na lang at sinama kami ni Ogie, kaya ayun nakita namin si Jennifer. Nagkagulatan nga kami nang magkita-kita kami. Hindi namin kasi akalin na siya pala ang nag-invite kay Papa O (tawag namin kay Ogie).

In fairness sa pamilya Cabanting, very accomodating sila, huh! Asikasong-asikaso nila kami sa loob ng dalawang araw na pag-stay namin sa Cab’s Pool Events Place.
Si Doc Mike nga mismo ang nagluto ng aming breakfast, lunch at dinner. At ang dami niyang niluto, para tuloy kaming nasa isang fiesta, at ang sasarap ng luto niya.

Ang ganda ng Cab’s Pool Events Place. Cool na cool ang dating nito. Na ayon kay Doc Mike, ay sarili niyang design ito.
At ang dami nitong ilaw. Kaya naman pag binuksan ito sa gabi, ay sobrang liwanag.
Kitang-kita ang magandang design na para itong isang park, na mayroong pool.
Try ninyong mag-rent sa Cab’s Pool Events Place para mapatunayan ninyo ang magandang sinasabi namin tungkol dito.
500.00 lang ang entrance fee bawat isang tao.
At ‘yung isang malaking room nila, na tinawag nilang dorm type, ay 6500 lang ang price. Kasya roon ang 30 na tao. Very affordable kumpara sa ibang private resort, ‘di ba?