Jon Lucas leaves ABS-CBN, joins GMA’s newest serye

Umalis na sa pangangalaga ng Star Magic ang Hashtag member na si John Lucas. 

Nagpaalam siya rito sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, na ipinost niya noong Wednesday. 

Sabi niya, “Hello Kapamilyas all around the World! Just wanna say thank you for everything! Thank you for the love that you gave me and my family. 

“Thank you for the wonderful 6 years you’ve given me! I will forever be grateful and blessed to be part of your wonderful Family! Maraming salamat sa mga oportunidad na binigay niyo sakin. Oportunidad na totoong nagpabago sa aking buhay bilang isang tao. Mga Oportunidad din na sinayang ko ng maraming pagkakataon.”

Ang tinutukoy ni Jon ay nu’ng mabuntis niya ang kanyang non-showbiz girlfriend na naging dahilan para tanggalin siya sa It’s Showtime.

“Alam ko kung gaano niyo ko pinahalagahan noong una akong tumapak sa inyong tahanan, ramdam ko yon at ng aking buong pamilya.

“Ngunit alam ko rin na ako’y lubos na nagkulang sainyo, lalo na sa mga taong malalapit sakin, na noong una ay labis labis ang pagtulong sakin para maabot ko ang aking mga pangarap. Lubos po akong nagpapasalamat sainyo! Salamat sa sakripisyo at pang-unawa na hindi matatawaran.”

“SALAMAT SA LAHAT NG MGA BOSS! MARAMING SALAMAT SA STARMAGIC FAMILY KO!! MARAMING SALAMAT SA IT’S SHOWTIME FAMILY KO na mga naging Kapamilya kong tunay sa mga nagdaang taon.

“Salamat sa Malupit kong handler na si Ate Gidget Dela Cuesta. Sa loob ng anim na taon na katigasan ng ulo ko eh tinuring niya ako bilang anak (na pasaway). gayunpaman Maraming salamat sa mga payo at saway mo! Salamat sa lahat ng Road Managers ng Star Magic na matiyaga kaming iningatan at inalagaan.”

Leave a comment