John Estrada was star struck by Alden Richards?

Super excited ang multi-awarded actor na si John Estrada para sa unang teleserye niya sa GMA-7 na “Victor Magtanggol” na kung saan pagbibidahan ni Alden Richards.

Nang makausap nga namin siya via “Wow It’s Showbiz” ay nabanggit niya na natutuwa siya dahil magaan ang kanyang pakikipagtrabaho sa mga Kapuso stars at sa lahat ng staff.

img_20180712_100236

Hindi ako nahirapan. Kasi ‘yung ibang production staff ay nanggaling din sa ABS- CBN,” sabi ni John.

Kumusta naman si Alden?

Nagkaroon na kami ng mga eksena. Magaling, madaling pakisamaahan. Nagkakakuwetuhan na kami. Mabait na bata. Very professional,” sey pa niya.

How true na na-starstruck daw si Alden sayo?

“Ako rin na-starstruck kay Alden. Magaan katrabaho.”

Kelan kaya mapapanod ang Victor Magtanggol?

“Ang alam ko sa Katapusan na, July 30 na. Kaya pakiabangan n’yo po.”

Pati sa movies ay aktibo si John.

Kasama sya sa pelikulang I Love You, Hater ng JoshLia at may gagawin din siyang movie kasama sina Kris Bernal at Jake Cuenca.

img_20180712_100226

Talagang blessed ang magaling na aktor! Happy sa kanyang asawa at mga anak, happy din sa kanyang career!

Leave a comment