John Estrada excited to work with Carmina Villaroel in ‘Kara Mia’

HINDI pa man naeere, always trending ang bagong serye ng Kapuso Network na ‘Kara Mia’ na second project ni John Estrada sa istasyon kasama si Carmina Villaroel.

Sa instagram post ni John, kitang-kita ang kasabikan nya na makasamang muli si Carmina. Matatandaang nagkasama ang dalawa in ‘Palibhasa Lalake.’

“So thrilled to work with her (Carmina) again.”

‘Kara Mia’ tells the story of two girls who have two faces divided in one body, Kara in the front and Mia in the back. Habang lumalaki ang dalawang babae, they will discover a way on how to separate their face with its own body every morning, while going back to their original form at night.

Sadyang kaabang-abang ang serye dahil sa kakaiba at interesting story nito. John plays Arthur, a hardworking father who’s willing to protect and support his family sa kabila ng panghuhusga. While Carmina plays Almira, a loving mother.

Ngayon palang ay nasasabik na ang fans sa magiging bahagi ng mahusay na aktor sa buhay nina Kara at Mia. First time makasama ng award-winning actor sina Barbie Forteza at Mika Dela Cruz, na mga bida sa serye.

Noong nakausap namin si John last year, always naman daw syang willing na mag share sa mga baguhang artista—mag share ng experiences at mag share ng kanyang nalalaman sa pag-arte. Unang nakasama ni John si Alden Richards sa GMA after nyang magpaalam sa ABS-CBN.

Naging maganda naman ang pagtanggap ng mga taga syete sa versatile na actor. Magaganda ang mga project na ibinibigay sa kanya at nararamdam nya ang respeto bilang isang artista.

Also, sa last interview namin sa kanya, ibinahagi nya kung gaano kahalaga sa kanya ang oras nya. May tinatawag syang cut off time nya. Which is tama naman, para na rin sa physical and mental health nya. Ang hirap nga namang umarte kung drained ka na at lampas na sa oras na inaasahan mo.

Speaking of last interview, everyone should watch THE LAST INTERVIEW. It stars John Estrada himself with Ara Mina and other stars, directed by Ceasar Soriano.

Sobrang blessed ni John! Happy kami sa success nya. Pero more than his blessings, masaya kami dahil peaceful and colorful ang life nya with wife Priscilla Meirelles and kids. Recently nga ay nag celebrate ng 7th birthday ang daughter nilang si Anechka, na super pretty.

Stay blessed, John! I’m sure nakikita mo rin sa internet ang mga meme sa bago mong serye na airing na this February. Aliw na aliw ang mga tao! Anong reaction mo dun, Papa John?

Leave a comment