Joem Bascon bares it all in his sports erotic film, “Double Twisting Double”?

Tinodo na naman ni Joem Bascon ang paghuhubad bilang “Wasi” sa pelikulang “Double Twisting Double Back,” isang sports erotic film.

Wala ba syang restrictions sa paghuhubad sa pelikula?

“Work naman e. I’m happy na siguro kung napapasaya ko man ‘yung viewers with what I’m doing, dun sa type of films na ginagawa ko, ibig sabihin I’m doing something right and good.”

Manipulative bestfriend ng bida (played by Tony Labrusca) ang ginagampanang role ng Kapamilya actor na nag-di-distribute ng alak sa mga bar. Si Tony naman ay gumaganap bilang Badger, isang male gymnast na naghahangad na maging isang tanyag na manlalaro. Dagdag pa nya, punung-puno ng sex scenes ang pelikula.

“Sobrang daming sex scenes. It’s about sex addiction. ‘Yung kaya mo bang i-control ‘yung sarili mo with urges na nangyayari sa sarili mo.

“Palaging tama sya sa pananaw nya sa buhay. Meron lang talaga syang sariling personality and character na I believe na very colorful, interesting character.”

Sabi ni Joem, nahirapan sya kung paano palalabasin sa screen ang isang taong may inner dark personality. Kino-consider nyang challenging ang kanyang role.

“Hindi sya physically challenging, more on si Tony, sya gumagawa nung stunts nya. Galing na galing ako sa kanya. More on sa mental part ‘yung sakin, ‘yun ‘yung challenging sakin.”

Bukod sa pagiging sikat na aktor, kilala rin si Joem sa social media dahil sa vlog ng kanyang girlfriend na si Crisha. Kinaaaliwan at kinakikiligan ng netizens ang vlog ng kanyang girlfriend kasama sya.

Kung si Joem ay manipulative na tao sa pelikulang entry sa Cinemaone Originals, sa totoong buhay ba, sinong mas manipulative, sya o ang kanyang girlfriend?

“Ako ‘yung nama-manipulate nya in a sense na kelangan kung mag gym, mag diet, alagaan ‘yung trabaho ko, kasi kung ako bilang Joem, free for all lang ako e pero sya lagi nyang sinasabi na may responsibility na tayo, hindi na tayo bata, si Crisha ‘yun.”

Kilala si Joem sa Cinemaone Originals entries na “Ka Oryang,” “Blue Bustamante,” “Mater Dolorosa,” at “Historiographika Errata.”

Produced by Shandii Bacolod, ang “Double Twisting Double Back” ay mula sa direksyon ni Joseph Abello, at pinagbibidahan ng actor-performer Tony Labrusca. Kasama si Joem Bascon at Mon Confiado.

Leave a comment