Isa si Lord of Scents Afficionado Joel Cruz sa mga naging donors ng benefit show ni Fiery Soul Torch Diva Malu Barry at isa rin sa nanood ng benefit concert kasama ang kanyang mga anak.
Ang actress-singer na si Patricia Javier at ang husband nitong si Doc Rob ang siyang producers ng benefit concert na ang stage director ay si Jobert Sucaldito at si Butch Miraflor naman ang musical director.
After the show ay na-interview ko si Sir Joel.
Wish mo kay Malu Barry?
“Wish ko kay Malu na gumaling siya sa lalong madaling panahon. Lumakas pa ang kanyang katawan, isipan, at makapagbigay pa siya ng entertainment sa maraming tao.“
Bakit mo nasabi sa concert ni Malu na gusto mong maging katulad niya ang isa sa mga anak mo?
“Habang nakikinig ako kay Malu sa concert nya ay napakasarap nya panoorin at pakinggan —ang kanyang golden or magical voice! Napakahusay nya kaya masaya akong nanonood at nakikinig sa mga kanta nya
at boses nya habang nag-spiel sya. Very talented si Malu. At very touching din ang story ng buhay nya. Sa sobrang paghanga ko sa boses nya ay naisip ko na sana kahit isa sa mga anak ko ay maging katulad nya na may magandang boses at talento sa pag kanta!”
Ano ‘yung mga tinutulungan mo na mga may cancer?
“Bilang member ng Philippine Cancer Society for the past 15 years, marami na akong natutulungan na patients na walang pambayad o hindi kaya magbayad ng Chemotherapy. Kaya gumagawa ako ng sulat sa Philippine Cancer Society at sila naman ay handang tumulong sa mga Pilipino na gamutin ang cancer sa pamamagitan ng chemotherapy.”
Bakit ‘di ka nagsasawang magbigay ng suporta sa mga taong may cancer?
“Hindi ako nagsasawang tumulong sa mga tao na may sakit man o wala dahil bilang Christian na nag-aral sa UST for 14 years ay na-mold ako na tumulong sa kapwa sa abot ng aking makakaya. Isa rin ‘yan sa turo ng aking magulang na tumulong sa mga taong nangangailangan lalo na kung ako o kami ay blessed at maayos ang buhay. Napakasarap nang pakiramdam ng nakakatulong sa kapwa lalo na kung kapwa ko Filipino ang tinutulungan ko. Blessed ako na may kakayahan ako tumulong at hindi ako ang tinutulungan na pwede naman mangyari. Pero
napakabait ng Panginoon na binigyan niya ako at ang aking mga anak ng magandang buhay kaya napakaluwag ng aking pagiisip na tumulong sa kapwa sa abot ng aking makakaya.”
“Bago ako dumating sa concert ni Malu, galing ako sa Girls Scout of the Philippines at nakasama ko sina Sen. Cynthia Villar, First Lady Liza Araneta Marcos, Steven Tan ng SM, at mga officers ng GSP. Nag-donate din ako para sa project nila sa 27 Hectares na Lupa sa Nueva Ecija.”
Well, kaya pala isa si Sir Joel Cruz na bukod na pinagpala nang ating Panginoon dahil sa maganda niyang kalooban lalo na sa mga needy ones. Salute sa nag-iisang Joel Cruz!