Jodi on her friendship with Iza: Hindi kami taping friends lang

Dalawang magkaibigan na gagampanan nina Jodi Sta. Maria at Iza Calzado ang sisirain ng isang kasalanan ang hahantong sa matinding salpukan para sa pag-ibig, pamilya, at yaman sa bagong seryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin” na mapapanood na simula sa Agosto 17 sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.

Ito ang unang pagkakataon na nagkasama sa serye sina Jodi at Iza. 

Pero, nagkatrabahaho na sila before sa isang pelikula.

“This is not the first time that I’ve worked with my love, Isadora. We’ve worked together sa Maria Leonora Theresa. And then after naman that project, tuluy-tuloy pa rin naman ‘yung communication namin, ‘yung kamustahan namin. Hindi naman nawala ‘yun. Kumbaga, naniniwala ako na ‘yung relationship namin, I don’t know if Iza would agree to this, hindi kami taping friends or working friends lang. Kumbaga, we’re really friends. Kasi siguro, dahil sa amount of time na pinagsamahan namin,” sabi ni Jodi nang makausap namin sa virtual presscon ng “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

Patuloy niya, “Na-lock-in kami sa isang location. Wala kaming choice, araw-araw kaming magkasama. I would say na I have a better appreciation of her as a person, as a human being. She’s really beautiful not only on the outside, but most especially ‘yung heart niya. So ‘yun. Sabi ko nga, when we would ano..parang talk..kasi we would message almost everyday, na parang we are so thankful that we are going through this together, na kami ‘yung magkasama  sa show, habang nangyayari itong pandemic na ‘to at kung ano-ano pang mga nangyayari sa mga bagay-bagay.”

Parehong mahusay na artista sina Jodi at Iza.

Paano mai-ensure ni Jodi na walang sapawang nangayayari sa kanila ni Iza sa mga eksena nila?

“Before our scene talagang..paano ba? Parang..siguro wala naman sa amin ‘yun para magpagalingan pa. Ako personally, wala ako sa ganoong klaseng space. Ang gusto ko lang is makapag-deliver ng tama. And hindi pupwede ‘yung sapawan. Ang kailangan dito magtulungan. Kailangang group effort,ganoon. ‘Yun lang ‘yung masasabi ko.”

Ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” ay sa ilaim ng direksyon ni F.M. Reyes at Avel Sunpongco, at produksyon ng JRB Creative Production.

Abangan ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.

Para sa updates, sundan lamang ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).

Leave a comment