Jodi doesn’t cut connection with Thirdy’s father

Malaki ang pasasalamat ni Jodi Sta. Maria na kahit hiwalay na sila ng kanyang ex at may sariling pamilya na ito ay napapanatili pa rin nilang mag-ina ang magandang relasyon dito.

Katunayan, very close si Thirdy sa partner ng kanyang dad na si Iwa Moto at sa anak nitong si Mimi.

Madalas kasama rin nilang mag-ina during their bonding moments ang mga ito.

Sey pa niya, bilang isang ina, ayaw niyang ipagkait sa kanyang unico hijo ang pagmamahal ng isang ama dahil karapatan niya ito.

“There are things that you have to forget about at gagawin mo para sa anak mo, and that’s what parenting is all about. You may not be together but we can co-parent our child in the best way we can to give him a good future and to spare him from the situation sa pagpapalaki sa kanya. Kailangang magkatuwang kami sa pagpapalaki sa kanya and I would say that it has only become possible through the grace of God,” aniya.

Kumpara sa ibang kumbensyonal na pamilya, proud din siya sa kanyang itinuturing na extended family.

“Family na kami. ‘Yun ang turingan namin sa isa’t isa. Hindi man ito yung usual set-up pero ito yung aming little family,” pahayag niya.

Muling mapapanood si Jodi sa pelikulang Man and Wife kung saan ginagampanan niya ang ulirang asawa at ina na hindi matanggap ng kanyang biyenan.

Ayon kay Jodi, nakaka-relate siya sa kuwento dahil tulad ng karakter niyang si Luisa, dumaan din siya sa pagsubok sa buhay na normal na nararanasan ng isang may asawa at anak.

“I can relate basically pinagdaanan ko rin siya. I can relate because I have been through those days, particularly iyong sa problema ng mag-asawa. I also had my share of struggles to make the relationship work,” esplika niya.

Pagbabahagi pa niya, tulad ng ibang babae, naranasan din daw niyang mag-adjust at makisama sa kanyang mga in-laws noon.

“When I got married, we stayed with our in-laws. Siyempre, it’s their house, so it’s natural for us to adjust in their own house. It’s also part of honouring your husband na mahalin mo ang mga taong mahal niya,” ani Jodi.

Gayunpaman, nilinaw niya na wala raw naman naging problema sa kanyang mga in-laws dahil mabait daw ang mga ito at tanggap siya ng mga ito, kabaligtaran sa kapalaran ng role niyang si Luisa na ayaw na ayaw ng kanyang biyenan.

First time na makatrabaho ni Jodi si Gabby Concepcion bilang leading man at saludo siya sa professionalism nito at pagiging gentleman.

Inalalayan pa nga raw siya nito sa kanilang intimate scenes sa pelikula at never daw itong nag-take advantage.

Happy din siya na naidirek siya ng magaling at award-winning director na si Laurice Guillen na isa sa mga hinahangaan niya at pangarap na makatrabaho.

Mula sa produksyon ng Cineko Films sa pakikipagtulungan ng Star Cinema, palabas na ang Man and Wife sa buong bansa simula sa Mayo 8.

Kasama rin sa pre-Mother’s Day presentation na ito sina Edgar Allan Guzman, Klea Pineda, Teroy de Guzman, Dexter Doria, Francis Magundayao, Ina Feleo, Denise Laurel at Amy Austria.

Leave a comment