Jobert, Nonong agree: Grabe si Coco Martin. All around sya

Sina Jobert Austria at Nonong ang main hosts sa pinakabagong game show ng CineMo ng ABS-CBN TV plus, na “Sorpresaya” na mapapanood simula ngayong Lunes, 10:30 am.

Ang game show ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes. Kasama rin dito si Elsa Droga, na naging Grand Finalist sa Miss Q&A.

Tinanong namin sina Kuya Jobert at Nonong, kung ano ang kaibahan ng game show nila sa ibang game shows sa telebisyon.

Sabi ni Nonong, “Ito pong game show namin e, mas madaling manalo (ang audiences/contestants). Parang ibinigay namin ito na parang hindi na sila masyadong mahihirapan. Ang trabaho lang po namin ay ‘yung magbigay ng kasiyahan sa lahat ng manonood.”

Sabi naman ni Kuya Jobert, “Saka mas maraming games na nakakatawa, at pang-masa, like ‘yung Macho Singers. Dun sa Machong Singers, ‘yung dalawang constestants, puro talaga sila macho, pero ang kakantahin nila ay ‘yung mga kantang pinasikat ng mga babaeng singers.”

received_1969408130026778

Bukod sa Macho Singers, ang ilan pa sa segments ng Sorpresaya ay ang Debate Girls,na kung saan ay bibigyan ng topic ang babaeng contestants kung saan ipaglalaban nila ang kanilang opinyon base sa panig na naka-assign sa kanila; Chickboys, sa larong ito, ang mga contestants dito ay mga tomboy na kailangan nilang kopyahin ang istilo sa pag-arte at pagbitiw ng linya ng karakter na nasa isang pelikulang napanood sa Cinemo; Hula Mo ‘To, kung saan dalawang grupo ng mga senior citeizens ang magpapasiklaban sa galing sa panghuhula; Isip Bata, na ang mga contestants dito ay puro mgaa bata, na ang pinakamaraming nasagot sa pambatang tanong ang mananalo; at ang Sagot Ka Ni Kuya Jobert, na dito ay makakapagtanong nang live kay Kuya Jobert ang audience na sasagutin niya ito na may halong katatawanan.

Samantala, isa sa guests si Kuya Jobert sa “FPJ’s Ang Probinsiyano” na pigbibidahan ni Coco Martin. Naging guest na rin dito si Nonong. Tinanong namin sila kung kamustang katrabaho si Coco

“Masayado kasi siyang ano, eh, magaling. Mahal niya ‘yung trabaho niya at mabait,” kwento ni Kuya Jobert tungkol kay Coco.

Paglalarawan naman ni Nonong kay Coco, “Saka hindi siya nagpapahinga. Never ko siyang nakitang nagpahinga. Grabe si Coco Martin. Siya rin minsan ‘yung nagsusulat ng script on the spot (ng FPJ’s Ang Probinsiyano). Minsan 15 sequences ang sinusulat niya, nagdidirek din siya. All around siya. Ganun siya kagaling.”

Leave a comment