JM, Ria future lovers? JM de Guzman answers, “Posible”

Kasama si JM de Guzman sa bagong primetime drama series ng ABS-CBN 2 na Pamilya Ko, na pinagbibidahan ni Sylvia Sanchez.

“Ako po rito si Chico Magbunga, ang panganay na anak ni tita Sylvia,” sabi ni JM tungkol sa kanyang role sa Pamilya Ko.

First time ni JM na nakatrabaho si Sylvia. At aminado siya na kinakaban siya sa mga eksena nila together.

“Nu’ng una kong nalaman na makakatrabaho ko si tita Sylvia, napa-shit ako. Kasi alam ko naman kung gaano siya kagaling na artista. Sabi ko, mapapalaban ako (ng aktingan).”

Magaling naman siyang artista kaya siguradong makakaya niyang makipagsabayan ng aktingan kay Sylvia?

“Kahit anong pilit ko, ayokong ipilit na isipin na magaling akong artista. So, talagang nandu’n ‘yung kaba kapag nakakaeksena ko na siya.”

Ang anak ni Sylvia na si Ria Atayde ay nali-link ngayon kay JM. Sila na ba ni Ria?

“Hindi pa po,” sagot niya.

“Yung mero’n po kami ngayon is parang sobrang okey ‘yung friendship namin. Ganu’n po.”

Paano niya idi-describe si Rea?

“Sweet po siya at palakaibigan,” papuri ni JM kay Ria.

Masasabi ba niya na si Ria ang pinakamalapit na babae sa kanya ngayon?

“Opo,” pag-amin niya.

Posible bang maging sila in the future? 

“Posible,” walang gatol na sagot ng aktor.

Ang Pamilya Ko ay mapapanood na simula sa September 9 pagkatapos ng TV Patrol.

Leave a comment