Jimuel Pacquiao champions BNY’s sporty wear

ANG anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao ang pinakabagong endorser ng BNY. 

Noong Lunes, June 10, ginanap ang contract signing ni Jimuel para sa nasabing clothing brand. Kasama niya ritong pumirma ng kontrata ang kanyang mommy Jinky.

Halos lahat ng endorsers ng BNY ay pawang artista. Ito ang unang pagkakataon na kumuha sila ng endorser na non-showbiz. May paliwanag dito si Ms. Denise Villanueva, isa sa may-ari ng BNY.

Sabi niya,” We wanted a new face na can embody student-athlete, and model to the new generation.”

Sabi naman ni Sir Mike, isa rin sa may-ari ng BNY,” At least maiba naman, saka through Heaven (Peralejo, gilrfriend ni Jimuel, na endorser din ng BNY) kaya naging madali ang usapan namin. Sabi naman ni Jimuel, na willing siyang maging endorser kasi first time niya, at kami naman first time rin namin outside sa showbiz.”

Dahil Pacquiao ang apelyido ni Jimuel, na kilalang-kilala na sa buong mundo dahil sa ama niyang si Manny, mahal ba ang talent fee ni Jimuel?  

Ayon kay Sir Mike, na napangiti muna bago sumagot,“ Hindi naman po, confidential po ‘yun.”

More on sports outfit ang ipasusuot ng BNY kay Jimuel, tulad ng jogger, jacket at sport shirts.

Samantala, ayon kay Jimuel, masaya siya na kinuha siyang endorser ng BNY.

“Masaya po being chosen to be an ambassador of the brand. It means something. It’s an honor for me,” sabi ni Jimuel.

Anong tulong ang gagawin niya to promote BNY?

“I’ll just do my job as ambassador of the brand. I’ll just try to be a good example sa mga nagpa-follow sa akin (sa kanyang social media accounts).

*****

Sa katatapos lang na Binibining Pilipinas 2018 na ginanap noong Linggo sa Araneta Coliseum, ay humakot ng awards ang girlfriend ng aktor na si Jason Abalos, na si Vickie Rushton ng Negros Occidental. 

Sa 13 special awards, anim ang napagwagian ni Vickie. Kabilang dito ang Jag Denim Queen, Miss Ever Bilena, Manila Bulletin Reader’s Choice, Poten Cee Gandang Palaban, Miss World Balance, at Bb. Cream Silk. 

Sa pagkapanalo ng 6 na special awards, marami na ang nagsasabing malaki ang tsansa ng dalaga na maiuwi ang title na Binibining Pilipinas o kundi man, ay  makakakuha pa rin siya ng ibang title.

Pero walang nakuhang title si Vickie. Ang sinasabing dahilan ng pagkatalo niya ay ang hindi niya magandang performance sa Question and Answer segment.

Ayon kay Vickie, na-distract siya sa isang audience, kaya hindi niya nasagot nang maayos ang tanong sa kanyang: “Why is mental health as important as physical health?”

Bunsod nito, umani ng pambabatikos si Vickie lalo pa’t mental health pa naman ang kanyang adbokasiya. May isang netizen nga na ang user name ay @claarizze ang nag-comment sa  Instagrm post ni Jayson na sinabi nito na, “Overrated, she’s just sponsors’ favorite. Lol, the question she got for Q&A was even bias because her advocacy is mental health yet she didn’t answer well. Maybe Ms. U isn’t really for her. #JustSaying.”

Na nang mabasa ito ni Jasyon ay sinagot niya ang netizen. Sabi niya,” @claaarizze sali ka mag cheer kami for you :)”

Leave a comment