Jillian Ward hopes to record songs someday

Masaya ang Kapuso young star na si Jillian Ward sa pagiging bahagi niya ng teleseryeng Prima Donnas ng GMA-7. 

Bukod kay Jillian, tampok sa naturang top rating TV series sina Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili, Chanda Romero, Althea Ablan, Sofia Pablo, Miggs Cuaderno, at iba pa.

Ayon sa magandang dalagita, ito na ang simula niya sa mga mas mature na role. 

Pahayag niya, “Siyempre po natuwa talaga ako noong una kong nalaman na magiging part po ako ng Prima Donnas and first bida ko rin po ito bilang dalaga.

“Na-pressure rin po ako, kasi alam ko pong may lalim talaga yung character ko rito.

“Bale, ito po talaga yung pag-blossom ko sa pagiging mas mature na role. Mas may lalim at mas seryoso na po yung ginagawa ko ngayon bilang aktres.”

Si Jillian ay nagsimula sa mundo ng showbiz bilang commercial model at child actress.

Matapos mapanood sa Wachamakulit ay naging bida na agad siya sa TV series na Trudis Liit ng GMA-7.

Bukod sa pagiging mahusay na child actress, si Jillian ay magaling din na singer at nangangarap na balang araw ay mabigyan ng pagkakataon na maging isang recording artist.

“Ngayon nga pong quarantine, mas naaaral ko po iyong pagkanta ko, mas naa-appreciate ko po yung ibinigay ni God sa akin na talento sa pagkanta. Kaya sana po makagawa po ako ng mga song one day, and may ma-inspire po ako through it.”

Tulad ng karamihan ng taga-Metro Manila, ilang buwan na ring stay at home ang 15 yeat old na dalagita bunsod ng ipinatutupad na quarantine.

Kaya inusisa namin siya kung excited na ba siyang magbalik-taping sa Prima Donnas?

“Sobrang excited na po kaming lahat, pero sa ngayon po, siyempre stay at home muna para safe po ang lahat.

“Ipinagdarasal ko nga po na wala nang matigas ang ulo para makabalik na rin po kami sa TV at magpasaya na muli ng mga tao, ng mga suking televiewers ng Prima Donnas.

“At siyempre po, kasama sa dasal ko lagi na maging okay na po talaga ang lahat, iyong parang maging back to nomal na rin po tayong lahat,” lahad pa ni Jillian.

Leave a comment