Jessy Mendiola and JM de Guzman break up anew

by PSR News Bureau

jm-jessyTunay naman na nakakapanghinayang na sa hiwalayan din nauwi ang ikalawang pagkakataon sa pagmamahalan nina Jessy Mendiola at JM de Guzman. Nang magkaroon ng presscon sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ang teleseryeng ‘You’re My Home,’ mahigpit na ipinagbawal sa press ang magtanong ng personal kay Jessy lalo na’t higit yung tungkol sa kontrobersiyang kinasangkutan nito at maging ang naging hiwalayan nga nila ng aktor na si JM de Guzman.

Hindi man diretsahang inaamin ni Jessy na wala na sila ni JM, halata ang lungkot sa mga mata ng aktres at alam mong mayroong iniinda ito. Umiikot ang kuwento ng ‘You’re My Home’ sa pamilya Fontanilla, base sa point of view ng ginagampanang papel ni Jessy na si Grace Fontanilla, anak nu Gabriel (Richard Gomez) at Marian (Dawn Zulueta).
Kumusta naman ang puso niya ngayon?

“Okay naman, masaya naman ako. Humahaba na nga ang buhok ko. At saka I feel blessed kasi finally maipapalabas na ang show namin. Marami naman dahilan para sumaya ako. Nandiyan ang pamilya ko, ang fans at yung maraming blessings na patuloy na dumarating sa akin,” paliwanag ni Jessy.

Matatandaang bago pa nag-Star Magic ball kung saan nakatakda sanang pumunta ang magkasintahan ay nasangkot sa isang kontrobersiya si Jessy sa eroplano kasama si Enrique Gil na ikinagalit ng husto ni JM. Dumating pa nga ang puntong hinamon ni JM si Enrique ng mixed martial arts sa pamamagitan ng social media, pero nang lumaon ay binura rin agad nito ang nasabing post.

jessy_and_jmMarami man ang naghihinayang sa kinahantungan ng pagmamahalan ng dalawang ito, pero ayon sa mga source, hindi na nga nagawa pang isalba ng pagmamahal nila para sa isa’t-isa ang kanilang naging relasyon. Akala pa naman ng marami, love is lovelier the second time around ang mangyayari sa kanila. Pero ika nga, may mga bagay na sadyang hindi ukol kahit anong gawin natin.

Leave a comment