Jessy Mendiola gets “fat memo” from Kapamilya bosses

Nagsilbing hamon kay Jessy Mendiola ang natanggap nyang “fat memo” mula sa pamunuan ng ABS-CBN. Naging dahilan ito upang mas puspusan pa nya ang kanyang pagwo-workout.

Sa kwento ng Kapamilya actress sa launching nya bilang brand endorser ng IAM Worldwide weight loss product na Amazing Grape Juice with Garcinia Cambogia, ikina-depress nya ang paglobo ng kanyang katawan dahil unang una walang projects na ibinigay sa kanya dahil sa kalakihan nya.

Sa suporta ng pamilya at ng boyfriend na si Luis Manzano, ay ginanahan si Jessy sa pagbabawas ng timbang. Na-achieve na raw nya ang timbang na kanyang gusto para sa sarili. Confident na ngayon ang dyowa ni Manzano at apat na pelikula ang tinapos ngayong taon.

Kwento ng sexy actress, hindi nya kayang pagsabayan ang serye at pelikula kaya’t nagfocus na muna sya sa paggawa ng pelikula. Sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF), ay mapapanood sya katambal si Jericho Rosales sa pelikulang “The Girl In The Orange Dress.”

First time nyang ma-experience ang MMFF at ito rin ang kanyang pagbabalik matapos mag laylo ng dalawang taon. Napanood din sya sa Ang Probinsyano.

Sa kanyang pagbabalik TV and film, inuulan pa rin si Jessy ng bashers. Iniiwasan na nyang pumatol at gusto nalang patunayan ang kanyang kakayahan bilang isang artista. To the rescue naman lagi ang kanyang boyfriend at sinasagot ang mga basher.

Sagot ng first-timer sa MMFF, ganun lamang talaga ang kanyang boyfriend at ginagawa nya lang ‘yun for fun. Hindi naman daw sineseryo ni Luis ang mga basher.

Very supportive na boyfriend si Luis paglalarawan ni Jessy. Kahit saang bagay daw ay suportado sya nito. Sabay din silang nagwoworkout at pinopost pa sa instagram na hinahangaan ng mga netizen.

Leave a comment