Jericho Rosales tired of same-old concept, wants “something new”

Sa finale presscon ng top-rating drama series ng ABS-CBN 2 na “Halik,” sinabi ng isa sa mga bida rito na si Jericho Rosales, na titigil na siya sa paggawa ng serye.

“That was unplanned and I think, ‘yun na ang nasa puso ko. Mahirap siya i-explain. Baka ang gusto ko lang sabihin, ‘yung ganitong klase ng storya hindi ko na gagawin, simulang sabi ni Jericho.

Patuloy niya, “Nagkaroon ng “The Legal Wife,” nagkaroon ng “Magpahanggang Wakas,” nagkaroon ng “Halik,” so ‘yung sa ganun, kung naiintindihan ako ng lahat, ‘yun ang gusto kong sabihin.

“Gusto kong i-challenge ‘yung sarili ko na maghain ng something new para sa mga nanonood sa akin.

“Napapansin ko lang na nagkakaroon ng pattern sa career ko and I just want to eliminate that.

“With the availability of iWant, mga pelikula, Netflix and all, feeling ko ang dami kong puwedeng gawin.

“But it’s not because ayoko na, pagod na pagod na ako sa industriya na ‘to, bwisit na bwisit na ako.

“Actually, no! I’m actualy inspired to work harder. Excited to do something new.”

Ganunman, nilinaw ni Echo na hindi siya magku-quit sa pag-arte.

“Pinag-uusapan pa lang natin kung ano ang puwede nating gawing bago, na talagang bago. Pero not to stop acting. I will never stop acting.

“Maybe I will get into producing, writing, directing. This time, it is my responsibility to repackage (myself) and do something new again.

“Kakanta muna ako ulit, surfing muna ulit, motor muna ulit, and then pagbalik ko by the end of the year, I have something new for sure.”

Samantala, dahil sa mahusay na pagganap ni Jericho sa “Halik” bilang si Lino, ay tumanggap siya ng awards mula sa dalawang award-giving bodies. 

Tinanghal siya bilang Best Actor sa 3rd Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS) na ginanap noong March 21. 

Nanalo rin siyang TV Actor of the Year sa 50th Box Office Entertainment Awards, na ginanap naman noong March 24.

Nagpapasalamat si Jericho sa mga karangalang natanggap.

“Maraming salamat  po sa lahat ng mga nagbigay ng acting awards sa role na Lino sa “Halik.”

“Marami na pong nagbigay sa amin ng mga awards para sa show namin, thank you so much!

“Hindi man ako masyadong active sa social media, just because I’m busy lang doing the show, but thank you so much, I appreciate it.”

Tutukan ang huling dalawang linggo ng “Halik” sa ABS-CBN.  Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com .

Leave a comment