Jeric Gonzales wins acting award, sacrifices everything for new series

Si Jeric Gonzales, na awarded recently as Best Single Performance by An Actor ng PMPC, ang lead actor sa bagong drama series ng GMA 7 na Magkaagaw. 

Ayon sa aktor, may mga isinakripisyo siya bilang pagpapahalaga sa malaking tiwala at oportunidad na ibinigay sa kanya ng kanyang home studio.

Sabin ni Jeric, “Isinakripisyo ko ‘yung time, nag-dedicate ako ng maraming time para sa Magkaagaw.

“Halos hindi ko na nakakausap ang parents ko at mga kapatid ko. Nag-effort talaga ako. Sobrang puyat, pero kailangang mag-gym kahit gabi na.

“Parang 11 P.M. na, kailangan ko pa dumaan sa gym. Nag-lose talaga ako ng weight for this project.”

Patuloy niya, ”Actually noon pa, ’yung supposed to be Rosang Agimat, nag-prepare na talaga ako.

“Action po yun, maraming trainings, so pumayat ako.

“Athletic din naman talaga ako, nagba-basketball, boxing, at Muay Thai ako.

“Mas naging strict ako sa diet ngayon, hindi na ako nagra-rice for one year na.

“Ang diet ko po ngayon is low carbs, high protein, and fiber. No sugar or desserts.

“Kailangan talaga strict sa food.

“Kailangan, may fruits ako na dala sa taping para kapag nagutom ako.

“Usually, apple, oranges, at papaya ang mga kinakain ko,” sabi ni Jeric, na sineryoso nang husto ang pagpapapayat dahil sa mga daring at sexy scene niya sa Magkaagaw.

Sa Magkaagaw ay gumaganap dito si Jeric bilang asawa ni Klea Pineda. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkatrabaho ang dalawa. Una silang nagsama sa seryeng Ika-5 Utos pero hindi sila gaanong naging close noon. Pero ngayon, ay mas okay ang samahan nila. Super close na sila, dahil halos araw-araw ay magkasama sila para sa taping ng kanilang serye.

“Gusto ko ‘yung passion at determination niya sa lahat ng bagay.

“Nag-click kami, kasi pareho kaming mahilig mag-motor at sa adventure trips.”

Sa serye ay naging taksil na asawa si Jeric. Nakipagrelasyon siya sa isang cougar, na ginagampanan ni Sheryl Cruz. May kissing scene sila rito, na ayon kay Jeric ay dumaan muna sila sa sensuality workshop bago gawin ‘yun.

“Dun pa lang sa sensuality work shop, na-sample-an na ako agad.

“Kasi one on one kami. We have to do ‘yung mga kissing scenes na gagawin namin

 sa serye.

“Kailangan makita mismo ni Direk (Gil Tejada), na kaya naming gawin. Para sa set, wala nang ilangan. Ayun nagawa namin.

“Pero, before, during and after the scene, nararamdaman ko pa rin nagsi- shake  ako, na parang wow, anong ginawa ko. Parang nagawa ko ba talaga ‘yun, na nag-kiss kami?” natatawang sabi pa ni Jeric.

Ang Magkaagaw ay mapapanood  na simula sa October 21, Mondays to Saturdays, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.

Leave a comment