Naniniwala si Jeric Gonzales at ang ibang Kapuso stars na malalagpasan natin ang COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng bayanihan.
Isa si Jeric sa mga sumusuporta sa Project RICE Up na sinimulan ng mga artista ng GMA Artist Center (GMAAC).
Nais nila na mabawasan ang bilang ng mga nagugutom pati na rin ang hirap na nararanasan ngayon sa bansa, partikular na ng mga Pilipinong walang trabaho dahil sa implementasyon ng enhanced community quarantine.
“Sa krisis na pinagdadaanan nating lahat ngayon, walang malaki or maliit na halaga ang kahit anumang tulong na pwede nating maibigay sa mga Kapuso nating higit na nangangailangan,” ayon kay Jeric.
Ang mga pondong makakalap ay ite-turnover ng GMAAC sa GMA Kapuso Foundation upang maipamahagi sa iba’t ibang komunidad.
Kung nais mag-donate, maaari lamang bisitahin ang link na ito https://ticket2me.net/e/6520/tickets.