Jennylyn Mercado still mum on reconciliation with Dennis Trillo

by PSR News Bureau

GKSL Dennis Jennylyn 003Hanggang ngayon pala ay nananatiling tikom ang bibig ng aktres na si Jennylyn Mercado sa balitang pagbabalikan umano nila ng ex boyfriend na si Dennis Trillo. Bagamat matatandaang nanggaling parehas sila ni Dennis sa isang trip abroad na kahit anong pagtatago ay nalaman pa rin ng media. Iwas na iwas pa rin si Jen na matanong ito tungkol kay Dennis. Sa tuwinang matatanong sa kanya ang aktor ay laging matipid ang kanyang mga sagot na halata mong nag-iingat ito sa kanyang isasagot.

Paano niya mailalarawan ang relasyon nila ni Dennis ngayon?

“Sa maniwala kayo o hindi, magkaibigan lang kami. Yun lang iyon,” p
akli ni Jennylyn sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph). Ilang beses nang napapabalitang muli silang nagkabalikan ng dating boyfriend. Pero siguro’y hindi pa nga talaga sila handang muling ipaalam sa publiko ang kung anuman ang namamagitan sa kanila.

Natanong si Jennylyn kung ano ba ang hinahanap nito sa isang lalaki?

“Unang-una, kailangan na kaya niyang tanggapin yung anak ko. Hindi naman kasi ako dalaga nang makilala niya ako. Importante sakin yun. Kailangan matanggap niya kung sino ako at yung pamilya ko.”

Matatandaang nagkaroon ng anak si Jennylyn sa pakikipagrelasyon nito dati kay Patrick Garcia. Sa ngayon nga ay maayos na ang relasyon nina Patrick at Jen, pati na ang napangasawa ni Patrick na si Nica.

Wala pa ba siyang matatawag na ‘special someone’?

“Sa ngayon po, wala pa talaga. Hindi naman po ako nagmamadali. Makakapaghintay ang pag-ibig.”

Walang-ForeverBasta busy sa kasalukuyan si Jennylyn dahil tinatapos nito ang “Walang Forever” na isa sa mga entries para sa Metro Manila Film Fest nitong December 25. Nage-expect ba siya na mapantayan nito ang kanyang tinamong tagumpay last year sa pelikulang “English Only Please”?

“Ayoko pong mag-expect ng kahit ano. Basta ginagawa po namin yung makakaya namin para mapaganda yung pelikula. Kasi pag inisip po namin yun, binibigyan lang namin ang mga sarili namin ng pressure. We’re hoping for the best, sapat na po iyon.”

Leave a comment